top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 Big races, tampok sa Santa Ana Park

BULGAR
Jul 9, 2022
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | July 9, 2022


Tatlong malalaking karera ang inaabangan ng mga karerista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.


Ito'y ang 2022 PHILRACOM 3rd leg Triple Crown, Hopeful Stakes Race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race na pakakawalan sa Hulyo 24.


Wala pang opisyal na lineup sa mga nabanggit na stakes races, isa pa lang ang siguradong kabayong lalahok, si Basheirrou.


Sapagkat pakay ng connections ni Basheirrou na walisin ang prestihiyosong karera para sa mga batang kabayo, ang Triple Crown series.


Nasikwat ni Basheirrou ang first at second legs at si jockey Kelvin Abobo ang naging hinete. Posibleng si class A ride Abobo ang sumakay ulit kay Basheirrou sa third leg dahil maganda ang kanyang pagkakadala sa kabayo.


Samantala, kanselado ang karera kahapon sa pista ng Santa Ana.


Ito'y dahil wala daw masyadong nagpalista kaya hindi nakabuo ng karera ayon sa komento ng mga karerista sa social media. "Hindi po nakabuo ng line up ang Santa Ana po," ayon sa karerista at tipster na ayaw magpabanggit ng pangalan.


Sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City sa Batangas ang karera ngayong araw at bukas, (Linggo).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page