top of page
BIDA - “NOT TODAY SATAN” TOTE BAG NA IFINLEX NI DENNIS, SOLD OUT KAHIT MAHAL_IG _dennistri

Ilegal na minahan, buking... 7 tigok sa gas poisoning

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | October 3, 2026



Gas poisoning sa minahan - Benguet PRO

Photo: Gas poisoning sa minahan - Benguet PRO



Patay ang pitong lalaki matapos umanong malason sa singaw ng gas habang nagmimina sa isang tunnel sa Sitio Dalicno, Brgy. Ampucao, Itogon, Benguet nitong Miyerkules, Setyembre 30.


Nakilala ang mga nasawi na sina Bryan Campos Madrid, 18; Kenjie Igaan Mangayen, 19; Orviel Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Igaan Gapacan Jr., 19; Hill Limong Padon, 25; Alvin Lazaro Daniel, 21; at Leonardo Bacuteng Pino, 62.


Unang nakatanggap ng impormasyon ang ilang minero na kasamahan ng mga biktima ilang sandali nang mangyari ang pagkaka-trap nila sa tunnel matapos umanong makalanghap ng nakalalasong gas.


Alas-11 ng umaga nitong Huwebes nang marekober ng mga emergency responder ang labi ng mga biktima.


Samantala, sinabi ni MDRRMO head Engr. Cyril Batcagan na wala umanong alam ang lokal na pamahalaan sa aktibidad ng pagmimina sa nasabing tunnel. Inilarawan umano ang operasyon bilang ilegal na small-scale mining.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page