3 araw na tigil-pasada — PISTON

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 15, 2023

Nag-anunsyo ngayong Miyerkules ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na pangungunahan nila ang tatlong araw na tigil-pasada na sisimulan sa Nobyembre 20.
Magsisilbing tugon ang protesta sa deadline ng franchise consolidation applications sa Disyembre 31, kaugnay ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization project.
Kasunod ito ng tigil-pasada noong Oktubre na isinagawa ng transport group na Manibela para kontrahin ang PUV modernization project na inaasahan na magdudulot ng pag-phase out sa libu-libong traditional jeepney sa buong bansa.





Comments