3.2M bata, stop sa pag-aaral, nangangalakal na lang

ni Justine Berganio @Overseas News | September 11, 2026

Photo: Mga kabataan na naglalaro sa site ng Al-Ghaydah district, sa Al-Mukalla, Yemen, September 6, 2026 - Abdulnasser Alseddik-AP
Sa halip na pumasok sa paaralan, araw-araw na nangangalakal ng plastic bottles ang ilang bata para makatulong sa pamilyang nawalan ng kabuhayan dahil sa digmaan sa Yemen. Maraming kabataan ang huminto upang magtrabaho.
Tinatayang 3.2 milyong bata ang hindi na nag-aaral sa Yemen ngayong taon, ayon sa UNICEF—malaki ang itinaas mula 1.8 milyon noong 2015, nang magsimula ang digmaan.
Ayon sa UN, halos 6.6 milyong bata sa Yemen ang nangangailangan ng education assistance ngayong 2026 dahil sa conflict, kahirapan at pagbagsak ng basic services.
Sa isang assessment ng Save the Children sa humigit-kumulang 2,000 households, 92% ang hindi tiyak kung saan manggagaling ang susunod na pagkain at 84% ang walang kakayahang bayaran ang basic school expenses. Halos isa sa bawat limang dropout cases ay nauugnay sa child labor.
Ayon sa mga education expert, ang patuloy na pag-drop out ay nagdudulot ng mas mataas na panganib ng illiteracy, poverty at unemployment. Para sa ilang pamilya, pagkain muna ang kailangang unahin bago ang edukasyon.





Comments