top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2nd monkeypox patient, nakalabas na ng isolation – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 2, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | September 2, 2022



Nakalabas na mula sa isolation ang ikalawang monkeypox case matapos na makarekober ito sa sakit habang wala pang nadagdag na kaso nito, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


Sa isang press briefing, kinumpirma ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang nai-report na monkeypox cases sa bansa ay nananatiling apat.


“Ang ating monkeypox cases ay still four, wala po tayong bagong detection. Although there are samples being submitted but all of those samples being submitted yielded negative results,” pahayag ni Vergeire.


Ayon sa Vergeire, ang ikalawang monkeypox case na isang 34-anyos na Pilipino, kung saan nagpositibo sa sakit noong Agosto 18, at nagkaroon ng travel history sa bansang nakumpirmang may kaso nito ay aniya, “completely healed” at na-discharge na mula sa isolation noong Agosto 31.


Sinabi naman ng kalihim na lahat ng 18 close contacts ng pasyente ay asymptomatic din sa buong quarantine period ng mga ito.


Ang ikatlong monkeypox case, isang 29-anyos na Pilipino na nag-travel din sa bansang nakumpirmang may kaso nito ay nananatili sa isolation dahil sa mga lesions o sugat sa kabila na ang pasyente ay umabot na 21 araw ng isolation noong Agosto 31.


“’Yung ating case number 3 still ongoing ‘yung kanyang home isolation dahil meron pa rin siyang konti na lesions sa ibang parte ng kanyang katawan so until mag-heal itong lesions na ito at saka natin siya puwedeng ma-discharge from isolation with the assessment of course and clearance of their doctors,” sabi ni Vergeire.


Lahat ng 17 close contacts ng pasyente ay asymptomatic, habang 13 sa kanila ay nagsasagawa ng self-monitoring, tatlo ang natapos na ang quarantine, at ang isa ay sumasailalim pa rin sa quarantine.


Ang ikaapat na monkeypox case, ayon kay Vergeire ay isang 25-anyos na Pilipino na walang travel history sa anumang bansa na nakumpirmang may kaso nito, ay nananatili sa isolation habang ang mga lesions o sugat ng pasyente ay nagsisimula nang matuyo.


Sa 20 close contacts na natukoy, 14 ang nakatapos na ng quarantine, apat ang sumasailalim sa quarantine, isa ang nagsasagawa ng self-monitoring, at ang isa ay nag-a-assist ng kaso sa isolation facility kung saan ang quarantine nito ay magsisimula lamang kapag ang nasabing case ay na-discharge na mula sa isolation.

Ayon kay Vergeire, lahat ng 20 close contacts ay asymptomatic pa rin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page