2M pasahero, inaasahan sa Holy Week — PPA

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 26, 2024

Inaasahan na higit sa dalawang milyong pasahero ang babiyahe sa pamamagitan ng dagat sa Holy Week ng taong ito upang maglaan ng panahon kasama ang pamilya o para sa bakasyon, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA) nitong Martes.
Sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samonte na inaasahan nilang darating ang pinakamaraming mga biyahero sa mga pantalan mamayang hapon hanggang Miyerkules.
Base sa monitoring ng PPA mula noong nakaraang Biyernes, nasa 500,000 na ang mga pasahero.
Inaasahan na babalik sa Metro Manila ang mga biyahero simula Linggo, ayon kay Samonte.
Inihayag din niya na magpapadala ang PPA ng buong puwersa ng mga tauhan upang maasikaso ang dami ng mga pasahero sa Holy Week.





Comments