2K bagong kaso ng HIV
- BULGAR

- May 11, 2023
- 1 min read
ni Madel Moratillo | May 11, 2023

Nakapagtala ng 2,079 bagong kaso ng HIV ang Department of Health sa bansa.
Sa HIV/AIDS Registry of the Philippines, nakasaad na ang arawang kaso ng tinatamaan ng HIV noong Marso ay 54.
Ayon sa DOH, ang 770 kaso rito ay nakumpirma sa mga nakalipas na buwan pa.
Sa mga bagong kaso na ito ng HIV, 95 porsyento o katumbas ng 1,981 ay lalaki habang 5 porsyento o 97 ay babae.
Ang 1,096 dito ay nasa edad 25-34, may 635 naman ang 15-24 anyos, 383 ay 35-49 anyos at 46 kaso naman ang nasa edad 50 pataas.
Batay sa nasabing report, 8 bata ang nakakuha sa pamamagitan ng mother-to-child transmission at 10 namang HIV-positive ang buntis nang ma-diagnose ng HIV.
Pinakamarami pa rin sa tinamaan ay dahil sa pakikipagtalik o katumbas ng 2,025 kaso.
Ang 19 na iba pang kaso ay dahil sa infected needles.
Ayon pa sa datos, higit kalahati sa bagong kaso ay mula sa Metro Manila, Calabarzon at Central Visayas.
Nabatid na may 57 ang nasawi sa kanila nitong Marso.





Comments