top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc

29 estudyante, na-food poison

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27
1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 27, 2026



29  estudyante na food poison - Sto. Tomas Information Office

Photo: Sto. Tomas Information Office



Isinugod sa ospital ang 29 na mag-aaral ng Tulalian National High School sa Sto. Tomas, Davao del Norte matapos makaranas ng sintomas ng food poisoning nitong Lunes, Agosto 24.


Batay sa imbestigasyon ng Municipal Health Office, ang mga estudyante ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka.


Isinailalim na sa pagsusuri ang mga pagkain sa school canteen at paninda ng mga vendor sa paligid ng paaralan upang matukoy kung anong partikular na pagkain ang nakapinsala sa mga estudyante.


Mula sa bilang na 29, nakalabas na sa pagamutan ang 24 na estudyante at lima na lamang ang nanatili sa ospital at inoobserbahan ang kondisyon.


Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng laboratory sa mga sinuring pagkain na nakaapekto sa mga estudyante.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page