top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

29 arestado sa cryptocurrency investment scam

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2023
1 min read

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 12, 2023




EGYPT — Arestado ang 29 suspek, kabilang ang 13 foreign nationals, sa cryptocurrency investment scam noong Sabado.


Nasabat ng pulisya ang 95 phones, 3,367 SIM cards at halaga ng $194,000 Egyptian at Foreign currency.


Ayon sa awtoridad, itinatag ng mga suspek ang Hoggpool, isang cryptocurrency mining app, na naglalayon sa mga potensyal na investor na kumita ng $1 kada araw, maaari rin umanong mamuhunan hanggang $800 sa crypto-mining "machine" at mag-pay-out ng $55 kada araw. Nagkaroon din umano ng feature na maaaring kumita ng 5 beses sa halaga na paunang na-invest sa loob ng 5 araw.


Nang hindi ma-withdraw ang pera sa mining app, agad na naglabas ng hinaing sa internet ang mga biktima.


Batay sa imbestigasyon, hindi bababa sa £19 milyon o $615,000 ang nakamkam ng mga suspek sa mga biktima.


Samantala, hindi pa tukoy ang tunay na bilang ng mga biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page