276 lungsod, nasa "state of calamity"

ni Eli San Miguel @News | May 11, 2024

Inihayag ni Communications Assistant Secretary Joey Villarama sa Bagong Pilipinas briefing, na kabuuang 276 na mga lungsod at bayan ang kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.
Kasama sa nabanggit na bilang ang siyam na iba't ibang mga lalawigan at ang buong rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ibinahagi ni Villarama na nasa Mindanao ang karamihan sa mga lalawigan na nagdeklara ng state of calamity, kabilang ang South Cotabato, Sultan Kudarat, at Zamboanga Peninsula.
“Kahit po sinabi ng PAGASA na pahupa na po ang El Niño eh mayroon pa po tayong ilang linggo sa buwan ng Mayo para po makapaghanda pa rin po at maabatan po ang epekto ng El Niño in terms of iyong ating food supply, water supply, pati iyong ating electricity,” paalala niya.
“So, hangga’t nandiyan pa po at hindi pa po tini-terminate iyong El Niño at magta-transition na tayo nga to La Niña in the coming months eh dapat po ay listo pa rin tayo at maghanda pa rin po tayo,” dagdag ni Villarama.





Comments