top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

27 Pinoy na ginamit sa scam sa Cambodia, balik-'Pinas na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 13, 2024




Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nag-repatriate ang Philippine Embassy ng 27 Pilipino mula sa Cambodia.


Ayon sa kanila, dumating ang 27 Pinoy sa Cambodia sa iba't ibang mga petsa bilang mga turista. Gayunman, naging empleyado sila sa mga kumpanya na sangkot sa ilegal na mga gawain.


Nailigtas ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Phnom Penh at Cambodian National Police habang inililipat patungo sa isa pang online scam facility, ayon sa DFA.


Panandalian silang nanuluyan sa Caritas, Cambodia matapos silang ma-rescue. Bumalik sila sa Pilipinas noong Disyembre 8, 2023.


Ayon sa DFA, ito ang pinakamalaking grupo ng mga nailigtas na biktima ng human trafficking sa Cambodia.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page