top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

27-anyos na lalaki, patay sa tuklaw ng cobra

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2024
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 25, 2024




Patay ang isang 27-anyos na lalaki matapos matuklaw ng cobra sa Panique, Tarlac.


Pagbabahagi ng ama ng kinilalang si JR Bungay, umihi ito sa labas ng bahay at doon natuklaw ng cobra ang paa nito.


Naisugod sa ospital si JR ngunit namatay din ito agad.


Tumawag sila ng snake rescuer matapos mailibing si JR at nahuli nila ang halos limang talampakang haba ng cobra kung saan ipinasok nila sa sako at doon pinatay.


Nilinaw naman ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na labag ang pagpatay sa kahit anong hayop na parte ng wildlife maliban kung nalagay nito sa alanganing sitwasyon ang mga nasa paligid nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page