top of page

26 katao, patay sa pag-atake sa Mali

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @K-BUzz | July 23, 2024



File Photo
File Photo

Namatay ang hindi bababa sa 26 katao matapos ang pag-atake ng isang armadong grupo sa baryo sa gitnang rehiyon ng Mali, malapit sa border ng Burkina Faso, ayon sa opisyal ng pamahalaan nitong Lunes.


Inihayag ni Moulaye Guindo, ang alkalde ng bayan ng Bankass kung saan matatagpuan ang Dembo, na nagsagawa ang mga salarin ng pag-atake sa mga residente habang nagtatrabaho ang karamihan sa kanila sa mga sakahan sa baryo ng Dembo noong Linggo ng gabi.


Walang grupo ang umangkin ng responsibilidad sa pag-atake noong Linggo, ngunit iniuugnay dito ang JNIM, isang extremist group na may kaugnayan sa al-Qaida dahil sa kanilang kasaysayan ng pag-atake sa mga residente sa rehiyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page