top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

25K estudyante, mabebenepisyuhan ng Libreng Sakay ng LRT2

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 14, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 14, 2022



Handang-handa na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) para sa pagdagsa ng tinatayang 25,000 estudyante araw-araw kapag nagbukas na uli ang mga paaralan sa Agosto 22, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) ngayong Linggo.


Sa isang radio interview kay LRTA administrator Hernando Cabrera, binanggit nito na ang mga estudyante ay maaaring maka-avail ng free train rides sa LRT2 mula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ayon kay Cabrera, ang 20% fare discount para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disability (PWD) ay magre-resume naman sa Nobyembre 6.


Sinabi rin ng opisyal na kailangan lamang ng mga estudyante na iprisinta ang kanilang aktuwal na school ID o ang kanilang original enrollment form sa passenger assistance booth upang makakuha ng single journey ticket.


Subalit aniya, ang mga graduate school at guardians ng mga estudyante ay hindi kabilang sa Libreng Sakay program.


“Magmula Lunes hanggang Sabado ‘yung ating programa. Pagdating ng Linggo, dahil wala namang pasok, o holidays, hindi na kasama, may bayad tayo,” pahayag ni Cabrera.


Bilang bahagi ng kanilang preparasyon, ayon kay Cabrera isinaayos nila ang lahat ng banyo at iba pang mga pasilidad sa LRT2 stations, patuloy na disinfection sa bawat end station at pagde-deploy ng mas maraming train personnel.


“Of course, ‘yung paghahanda natin sa mga tren natin. Ang instruction is dapat walang tumirik na mga tren kapag dumagsa ang mga estudyante natin,” saad pa ni Cabrera.


Bukod sa LRT2, inaprubahan din ni Pangulong Marcos ang pagbibigay ng free train rides para sa mga estudyante sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Philippine National Railways (PNR) hanggang Nobyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page