top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

25 Players, nakalista na sa PFF para sa FIFA

BULGAR
Mar 21, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 21, 2022




Inilabas na ng Philippine Football Federation (PFF) ang listahan ng 25 manlalaro ng Philippine Men’s Football National Team na sasalang sa dalawang FIFA Friendly ngayong linggo kontra Malaysia at Singapore. Kasama sa listahan ang mga subok na beteranong sina Stephan Schrock, Bienvenido Maranon at goalkeeper Neil Etheridge at ang matagal nang liniligawan ng Azkals na si Gerrit Holtman.

Handa pa rin si Schrock na pangunahan ang Pilipinas matapos nagpahayag ang kanyang koponan United City FC na nagkasundo na sila na wakasan ng maaga ang kanyang kontrata at maghanap siya ng bagong koponan. Sasamahan si Schrock ng mga kapwa midfielder Dylan de Bruycker, Harry Foll, John Patrick Strauss, Oskari Kekkonen, Manny Ott, Iaian Ramsay, Kevin Ingreso, Dennis Villanueva, Oliver Bias at Jesse Curran.

Mananatiling angkla ng depensa si Etheridge kasama ang mga kapalit na sina Kevin Ray Mendoza Hansen at Quincy Kammeraad. Ang mga defender ay sina Diego Bardanca, Carli de Murga, Justin Baas, Enrique Linares, Daisuke Sato at Amani Aguinaldo.

Tiyak na malaki ang aasahan kay Marano at Holtmann na gumawa ng maraming goal. Ang iba pang mga forward ay sina Patrick Reichelt, Mark Hartmann at OJ Porteria.

Unang haharapin ng mga Pinoy ang Malaysia sa Marso 23 at Singapore sa Marso 29.

Gaganapin ang parehong laban sa Singapore National Stadium at parehong magsisimula ng 8: Samantala, susubukan bumawi ng Maharlika Manila FC kontra sa Mendiola 1991 FC sa pagpapatuloy ng 2022 Copa Paulino Alcantara ngayong Lunes. Sisipa ang aksyon simula 5:00 ng hapon sa PFF National Training Center sa Carmona, Cavite.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page