top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

25-anyos ni-rape ng 2 police trainees

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | August 18, 2026



25-anyos ni-rape ng 2 police trainees


Arestado ang dalawang police trainee makaraang ireklamo ng rape ng kanilang 25-anyos na kapwa police trainee sa isang resort sa Jasaan, Misamis Oriental noong August 14, 2026.


Ang biktima at mga suspek na edad 27 at 28 ay police trainees na nasa ilalim ng Field Training Program (FTP) at kasama sa team-building activity sa isang beach resort nitong Biyernes.


Batay sa reklamo ng biktima, pinagsamantalahan umano siya ng dalawang kaklaseng police trainees habang nasa resort ang mga ito.


Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung nilasing ba ng dalawang suspek ang biktima bago ang insidente.


Ang mga police trainee ay nasa ilalim umano ng superbisyon ng Cagayan de Oro City Police Office.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang inireklamong mga police trainee at tumangging magbigay ng anumang pahayag kaugnay sa isinampang reklamo sa mga ito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page