top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

24 Pinoy, na-rescue sa human trafficking na patungong Malaysia – PCG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | July 17, 2022



Nasa tinatayang 24 Pilipino na magiging mga biktima ng human trafficking na patungong Malaysia ang nasagip ng mga awtoridad sa Basilan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Linggo.


Sa isang report, sinabi ng PCG na isinagawa ang rescue operation ng Maluso municipal police sa Barangay Shipyard Main sa Maluso, Basilan noong Hulyo 15.


Batay sa imbestigasyon, nabatid na ang mga biktima ay nasa mga edad 11 hanggang 60-anyos na residente ng Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Zamboanga Del Sur, Misamis Occidental, at Basilan.


Gayunman, ang mga biktima ay kailangang maghintay ng dalawa pang araw bago pinal na i-escort ang mga ito ng PCG.


Ngayong Linggo, inasistihan ng PCG Station Isabela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ligtas at maayos na transportasyon ng mga biktima sa Port of Isabela City, Basilan.


Sakay ang mga ito ng MV Ciara Joie 8 ng alas-9:45 ng umaga habang dumating naman sa Zamboanga City ng bandang alas-11:30 ng umaga.


“The TIP (Trafficking in Person) victims remain under the custody of DSWD-Zamboanga City while coordination with their respective families is ongoing,” pahayag ng PCG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page