P278-M farm-to-market road, itatayo sa Davao Oriental

by BRO @News | September 29, 2026

Photo: Agri Info Davao / PRDP RPCO 11
Mahigit 4,000 residente sa Cateel at Boston, Davao Oriental ang inaasahang makikinabang sa bagong farm-to-market road na nagkakahalaga ng P277.98 milyon.
Gagastusan ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project Scale-Up ang 8.5-kilometrong kalsada mula Barangay Mainit sa Cateel hanggang Barangay Cabasagan sa Boston, kasama ang dalawang tulay.
Inaasahang bababa mula 25 minuto hanggang 10 minuto ang biyahe sa pagitan ng dalawang barangay. Maaari ring bumaba nang hanggang 35% ang gastos sa pagdadala ng mga ani.
Makikinabang dito ang mga nagtatanim ng saging, niyog, cacao at abaca, gayundin ang 4,285 residente kabilang ang 903 Indigenous Peoples at agrarian reform beneficiaries.
Inaasahang makalilikha rin ang proyekto ng trabaho para sa 69 skilled at 164 unskilled workers.





Comments