23 yrs. old na kapitbahay, wanted... 72-anyos na PWD, ni-rape, pinatay

ni Mai Ancheta @News | October 13, 2026

Photo: File
Humingi ng katarungan ang pamilya ng isang 72-anyos na lolang may kapansanan matapos itong matagpuang patay at hinihinalang inabuso sa Brgy. Hilltop, Dapitan City, Zamboanga del Norte.
Ang biktima ay kinilalang si Lucia, senior citizen at person with disability (PWD) na nadiskubre ang bangkay ilang metro malapit sa kanilang bahay, walang saplot sa katawan na hinihinalang inabuso bago pinatay.
Batay sa pagsusuri ng medical personnel at Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa labi ng biktima, nakakuha ang mga ito ng ebidensiya na may nangyaring sexual assault sa biktima.
Isang 23-anyos na kapitbahay ng biktima ang person of interest ng mga otoridad at pinaniniwalaang nagtago na matapos makuha sa crime scene ang isang salawal na pinaniniwalaang mula sa kapitbahay.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa krimen at pinaghahanap ang kapitbahay na person of interest para malinawan kung ano ang kinalaman nito sa insidente.





Comments