top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

225 bagong kaso ng Omicron subvariants – DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 12, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 12, 2022



Nakapagtala ng 225 karagdagang mga kaso ng Omicron subvariants BA.5, BA.4, at BA.2.12.1 na na-detect sa bansa, ayon sa anunsiyo ng Department of Health (DOH).


Sa press briefing ngayong Biyernes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na sa latest genome sequencing results may 190 bagong BA.5 cases, kaya umabot na sa kabuuang 4,203 kaso ng BA.5 sa bansa.


Ayon kay Vergeire, sa bagong kaso ng BA.5, 162 indibidwal ay mula sa Davao Region, 23 sa Soccsksargen, tatlo mula sa Bangsamoro Region, at tig-isa sa Caraga at sa National Capital Region (NCR).


Aniya, 149 sa mga kaso ay fully vaccinated na, apat naman ang partially vaccinated, habang ang status ng 37 ay bineberipika pa.


Nasa 175 sa mga kaso ay itinuturing na nakarekober na, pito ay nananatili sa isolation, habang ang resulta ng walong kaso ay bineberipika pa.


Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 34 dagdag na BA.4 cases, kung saan 23 rito ay mula sa Soccsksargen at 11 mula sa Davao Region.


Sinabi ni Vergeire na 27 sa mga kaso ay fully vaccinated habang pito ang bineberipika.


Nasa 33 naman sa mga kaso ang itinuturing na nakarekober na.


Ayon sa kalihim, may kabuuang 149 cases na ng BA.4 subvariant sa bansa.


Binanggit naman ni Vergeire na ang nag-iisang BA.2.12.1 case ay na-detect sa Davao Region, kung saan umabot na sa kabuuang bilang na 182.


Ang naturang bagong kaso ay itinuturing na bilang recovered.


Sa ngayon, lahat ng Omicron subvariants na BA.5, BA.4 at BA.2.12.1 ay isinailalim sa monitoring ng World Health Organization (WHO).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page