22 patay, 28 sugatan sa killer bus
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Justine Berganio @Overseas News | September 4, 2026

Photo: Circulated / Global Arab Network
Patay ang 22 katao habang 28 ang sugatan matapos bumaliktad ang isang passenger bus sa South Sinai, Egypt nitong Miyerkules.
Naganap ang aksidente sa kalsadang nag-uugnay sa tourist resorts ng Dahab at Nuweiba, isang lugar na dinarayo ng mga turista sa silangang bahagi ng Sinai Peninsula.
Patungo sanang Amman mula Cairo ang bus nang mawalan umano ito ng kontrol at bumaliktad sa kalsada.
Posibleng pumutok ang isang gulong bago naganap ang aksidente.
Nagpadala ang Egyptian Health Ministry ng 20 ambulansya para kunin ang mga nasawi at dalhin sa ospital ang mga sugatan.
Inatasan din ni Health Minister Khaled Abdel Ghaffar ang mga pagamutan na itaas ang kanilang preparedness at tiyaking may sapat na gamot, medical supplies at iba pang kinakailangan para sa mga biktima.





Comments