top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 7, 2026



Sarah Khalifa - Instagram

Photo: TV personality Sarah Khalifa - Instagram



Sinentensiyahan ng bitay ang Egyptian TV presenter na si Sarah Khalifa at 11 iba pa matapos mahatulan sa kasong drug trafficking at iba pang paglabag.


Ayon sa state-owned Al-Ahram, kabilang umano sila sa isang criminal gang na nag-angkat ng mga sangkap para sa paggawa ng ilegal na droga at pagbebenta nito.


Nasamsam din sa grupo ang mahigit 750 kilo ng narcotics, ilegal na baril at mga bala.

Itinanggi ni Khalifa, 39, na sangkot siya sa mga paratang. Kilala siya sa programang “Mission Impossible” na tumatalakay sa mga usaping krimen.


Bukod sa 12 death sentence, siyam na akusado ang nakulong habambuhay habang pito ang pinawalang-sala. Aapela naman ang abogado ni Khalifa laban sa hatol.


Nauna nang inilabas ang desisyon noong nakaraang buwan, pero kinumpirma lamang matapos makuha ng korte ang religious opinion ng Grand Mufti of Egypt, isang requirement bago ipatupad ang death sentence.


Ginamit din sa paglilitis ang testimonya ng 20 saksi at electronic evidence gaya ng mga usapan at video. Ayon naman sa Amnesty International, 492 death sentence ang naitala sa Egypt noong 2025, kung saan 23 ang naisagawa.

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | September 4, 2026



22 dead sa passenger bus sa South Sinai, Egypt - Circulated - Global Arab Network

Photo: Circulated / Global Arab Network



Patay ang 22 katao habang 28 ang sugatan matapos bumaliktad ang isang passenger bus sa South Sinai, Egypt nitong Miyerkules.


Naganap ang aksidente sa kalsadang nag-uugnay sa tourist resorts ng Dahab at Nuweiba, isang lugar na dinarayo ng mga turista sa silangang bahagi ng Sinai Peninsula.

Patungo sanang Amman mula Cairo ang bus nang mawalan umano ito ng kontrol at bumaliktad sa kalsada. 


Posibleng pumutok ang isang gulong bago naganap ang aksidente.

Nagpadala ang Egyptian Health Ministry ng 20 ambulansya para kunin ang mga nasawi at dalhin sa ospital ang mga sugatan.


Inatasan din ni Health Minister Khaled Abdel Ghaffar ang mga pagamutan na itaas ang kanilang preparedness at tiyaking may sapat na gamot, medical supplies at iba pang kinakailangan para sa mga biktima.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | September 15, 2024



SSS

Hindi bababa sa tatlong tao ang nasawi at 49 ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong tren sa lungsod ng Zagazig, hilagang-silangan ng Cairo, ayon sa pahayag ng Ministry of Health ng Egypt nitong Sabado.


Dagdag pa ng ministry, nasa malubhang kondisyon ang lima sa mga nasugatan. Inihayag din na dinala na sa mga ospital ang mga sugatan at patuloy pa rin ang mga rescue operations.


Ayon sa pahayag ng railway authority, patungo ang isang tren sa Ismailia mula Zagazig, habang ang isa naman ay nagmumula sa lungsod ng Mansoura patungo sa Zagazig. Sa loob ng ilang taon, nagsusumikap ang Egypt na paunlarin ang kanilang tumatandang transportasyon, i-modernisa ang mga tren, at pagandahin ang mga railway lines.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page