top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2022 na, ‘di na tayo dapat magpabiktima sa fake socmed accounts!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | January 29, 2022



Nagbigay-babala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) laban sa mga pekeng social media accounts na nagpapanggap na mga komisyoner at ng opisyal ng komisyon.


Paalala ni Comelec spokesperson James Jimenez sa netizens, huwag basta tanggapin ang mga friend request o imbitasyon ng mga kahina-hinalang account at suriin munang mabuti ang mga ito.


Ang babala ay matapos lumabas ang pekeng Twitter account sa ilalim ng pangalan ni Commissioner Marlon Casquejo.


Gayunman, naniniwala si Jimenez na ang paggawa ng mga pekeng social media accounts ay maaaring maging parte ng mas malaking disenyo para sirain ang kredibilidad ng Comelec.


Ngayong malapit na ang halalan, hindi nakagugulat na may ganitong mga kaganapan.


Malamang, hindi lang ang pangalan ng mga taga-Comelec ang ginagamit, kaya asahan nang kasama rin d’yan ang ilang kandidato sa lokal o nasyunal na posisyon.


Hindi natin alam ang motibo ng mga gumagawa at gumagamit ng pekeng accounts, kaya utang na loob, mag-isip tayo nang mabuti bago tumanggap ng imbitasyon o makipagtransaksiyon sa mga kahina-hinalang account.


Bagama’t hindi na bago ang ganitong isyu, dapat mas maalam na tayo.


‘Ika nga, 2022 na, hindi na tayo dapat naloloko ng mga pekeng account, dapat mas wais na tayo.


Samantala, hindi sapat ang babala at paalala sa netizens dahil hangga’t may kumakalat na pekeng socmed account, nariyan ang banta ng anumang panloloko o panggagamit sa sinumang opisyal o kandidato.


Kaya pakiusap sa mga kinauukulan, tuntunin at patawan ng mabigat na parusa ang mga nasa likod ng pamemekeng ito. Hindi lamang imahe ng kawani ng gobyerno ang maaari nilang sirain kundi maging ang tiwala ng publiko.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page