top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mataas na demand sa mga electronic gadget, ‘wag sanang samantalahin ng mga negosyante para magtaas-p

Imee R. Marcos
Jun 8, 2020
2 min read

Alerto tayo at bantayan natin ang pagsirit ng presyo ng mga electronic gadget o device tulad ng laptop, tablet, pocket wifi, cellphone at personal computer!

Mga beshy, kung kinakailangan, i-report natin ang sinumang mananamantalang negosyante at magpapatupad ng price hike sa mga gadget tulad ng mga ito sa gitna ng napipintong blended learning sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.

Bakit kamo? Naghahanda na ang pamahalaan para sa online learning, eh, ‘di ba nga kalakaran na sa mga negosyante na kung ano ang in-demand na produkto ‘yun ang tumataas ang presyo? Pero this time, nakikiusap tayo sa mga negosyante, ‘wag puro kita ang isipin at puro panlalamang sa kapwa!

Plis lang, ‘wag naman kayong magsamantala sa sitwasyon, marami ang naghihirap na pamilya na halos wala nang makain pero pipilitin nilang magsakripisyo para makapag-aral ang kanilang mga anak.

Kaya naman, umaapela ako sa ating mga kasamahan sa gobyerno na maging mapagmatiyag sa presyo ng mga gadget o anumang electronic device na gagamitin sa online learning.

Hiling ko sa mga negosyante na maging maluwag sa pagpapautang sa mga estudyante o mga magulang na may mga anak na estudyante para makabili ng gagamiting electronic device at makasabay sa online learning. Hindi rin dapat mahal ang mga secondhand na laptop at computer!

Maraming mag-aaral ang posibleng maiwan o tuluyang hindi makapasok sa sinasabing virtual o online learning na gagamitin sa pasukan dahil sa kakapusan ng badyet.

Sa akin lang, kung sobra-sobra sa mahal ang mga gadget na ‘yan, eh, paano pa makakayanang bumili ng mga magulang? Kailangang ibaba ang presyo ng mga mobile at electronic device o gadget nagagamitin ng mga mag-aaral sa darating na pasukan. Kailangang tulungan natin ang mga estudyante.

Kung hindi naman makukuha sa pakiusapan at itutuloy ng mga salbahe at tiwalang negosyante ang price hike sa mga gadget sa eskuwela, well, may kalalagyan sila at dapat silang managot at makulong! Agree?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page