top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

Alerto tayo at bantayan natin ang pagsirit ng presyo ng mga electronic gadget o device tulad ng laptop, tablet, pocket wifi, cellphone at personal computer!

Mga beshy, kung kinakailangan, i-report natin ang sinumang mananamantalang negosyante at magpapatupad ng price hike sa mga gadget tulad ng mga ito sa gitna ng napipintong blended learning sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto.

Bakit kamo? Naghahanda na ang pamahalaan para sa online learning, eh, ‘di ba nga kalakaran na sa mga negosyante na kung ano ang in-demand na produkto ‘yun ang tumataas ang presyo? Pero this time, nakikiusap tayo sa mga negosyante, ‘wag puro kita ang isipin at puro panlalamang sa kapwa!

Plis lang, ‘wag naman kayong magsamantala sa sitwasyon, marami ang naghihirap na pamilya na halos wala nang makain pero pipilitin nilang magsakripisyo para makapag-aral ang kanilang mga anak.

Kaya naman, umaapela ako sa ating mga kasamahan sa gobyerno na maging mapagmatiyag sa presyo ng mga gadget o anumang electronic device na gagamitin sa online learning.

Hiling ko sa mga negosyante na maging maluwag sa pagpapautang sa mga estudyante o mga magulang na may mga anak na estudyante para makabili ng gagamiting electronic device at makasabay sa online learning. Hindi rin dapat mahal ang mga secondhand na laptop at computer!

Maraming mag-aaral ang posibleng maiwan o tuluyang hindi makapasok sa sinasabing virtual o online learning na gagamitin sa pasukan dahil sa kakapusan ng badyet.

Sa akin lang, kung sobra-sobra sa mahal ang mga gadget na ‘yan, eh, paano pa makakayanang bumili ng mga magulang? Kailangang ibaba ang presyo ng mga mobile at electronic device o gadget nagagamitin ng mga mag-aaral sa darating na pasukan. Kailangang tulungan natin ang mga estudyante.

Kung hindi naman makukuha sa pakiusapan at itutuloy ng mga salbahe at tiwalang negosyante ang price hike sa mga gadget sa eskuwela, well, may kalalagyan sila at dapat silang managot at makulong! Agree?

 
 

Hilong talilong na ako, mga friendship, sa kakaisip kung paano tayo makapagbibigay-trabaho at makakaiwas sa pagsasara ang maraming kumpanya dahil sa pagkalugi bunsod ng lockdown dulot ng COVID-19.

Kaya super hopeful ako na ang mga foreign investors na nagsisilayasan sa China ay sana naman maisipan na magtungo sa ‘Pinas at ditey na lang maglagak ng kanilang mga investment para may pagkakaabalahan tayong trabaho.

At siyempre, hindi lang ‘Pinas ang nag-iisip kung paano maeenganyo ang mga investors, kundi ‘yung mga kapitbahay natin sa rehiyon ay ganundin ang target. Kaya dapat mag-isip tayo to the max kung paano natin maeengganyo ang mga investors na ito.

Dapat, mga frennie bukod ‘yan sa itinutulak ng ating pamahalaan na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o Create, hirit ko rin sa mga kasamahan ko sa Kongreso na ipasa ang hiwalay na batas para sa tax cut sa mga korporasyon bago mag-recess sa June 5.

Kailangan, mga beshy ay itodo na ‘to, wala nang kiyeme-kiyeme at sunggabera na tayo agad lalo na sa mga lumalayas na foreign investors sa China, eh, dapat mauna tayong makasungkit at para nga mapansin tayo, dapat maganda ang pakete nating alok na mga insentibo, ‘di vah?

Irampa na ang mga tax cut na yan, para mega-kagat sila sa ating mga pain na insentibo at tiyak maiibsan ang sibakan sa mga trabaho pati ‘yung mga nagbabalak na lumayas sa ‘Pinas, eh, magdadalawang-isip na lumipat ng business sa Thailand, Indonesia at Vietnam na may mababa ring tax.

‘Pag ganyang kumpetisyon, kailangan parati tayong may bagong promo ‘ika nga, para mas mabili at mapili tayo kesa sa mga kapitbahay nating mga bansa. Petmalu tayo dapat sa ating mga diskarte at maging showy sa ating mga bonggang tax incentives! Hindi dapat tutulug-tulog sa pansitan!

 
 

Afraid ako sa possibility na mabuhay na naman ang terorismo sa Mindanao habang nasa gitna tayo ng giyera kontra COVID-19.

Tatlong taon na ang nagdaan nang mangyari ang krisis sa Marawi, pero hanggang ngayon ay tengga pa rin ang rehabilitasyon sa mga biktima nito. Bakit ka ninyo?

Super-active raw ngayon ang mga international terrorist tulad ng ISIS sa recruitment sa mga taga-Mindanao lalo na sa mga taga-Marawi na dismayado sa kanilang bayan na sinira ng giyera noong Mayo 23, 2017.

Eh, ‘di ba nga ikatlong anibersaryo na nito noong nakaraang linggo? Siyempre, sinasamantala to the max ng mga terorista ang recruitment at super-laki raw ang alok na monthly salary at tulong sa pamilya ng mga kapatid nating Muslim na mag-join sa kanila!

Eh, tiyak na tatargetin nila ‘yung mga sundalo na bukod sa pagbibigay-seguridad, ginagamit na ring frontliner sa pagde-deliver ng serbisyo kaugnay sa COVID-19 d’yan sa Mindanao. Scary ‘yan, ha?

Bakit ba napakatagal ng rehabilitasyon sa Marawi? Until now, tulog pa rin sa pansitan ang Task Force Bangon Marawi, bukod pa sa nakaka-delay rin sa rehab process ‘yung dami raw ng requirements!

Kaya nga sa Senate Bill 410 ko, mga frennie, itinutulak kong magtayo ng permanenteng Bangon Marawi Council para hindi umabot ng dekada ang Marawi rehab at hirit ko rin ibigay ang bahagi ng military reservation na hindi naman ginagamit at patituluhan para may uuwian na ang mga taga-Marawi.

Keribels naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin ang proseso at mapatituluhan agad ang mga lupaing ‘yan! Para naman hindi na matukso ang ating mga kababayang Muslim na magpa-recruit sa mga terorista na manggugulo na naman sa Mindanao!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page