top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Oks na ang batas kontra terorismo ni ex-P-GMA, ‘di na kailangan ng Anti-Terror Bill, period!

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 7, 2020
  • 2 min read

MAY BATAS NA KONTRA TERORISMO SI EX-P-GMA KAYA HINDI NA KAILANGAN ANG ANTI-TERROR BILL NA BERSIYON NI P-DUTERTE — May batas na laban sa mga terorista at ito ay ang Republic Act 9372 o mas kilala sa tawag na “Human Security Act of 2007” na isinabatas ni dating Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa Anti-Terror Act ni ex-P-GMA, ang ilan sa nakasaad dito ay tatlong araw lang ang warrantless detention, ihaharap sa korte ang akusado at P500K kada araw ang ibabayad ng mga awtoridad sa maling bintang sa taong kanilang ikinulong at tanging korte lang magdedetermina kung terorista o hindi ang tao o grupo.

Samantala, sa Anti-Terror ni P-Duterte, 14-24 days ang warrantless detention, hindi kailangang iharap sa korte ang inaresto, walang pananagutan ang mga awtoridad kapag hindi terorista kanilang nadampot at hindi na korte, kundi mga tao na ni P-Duterte na itatalaga niya sa Anti-Terrorism Council (ATC) ang magdedetermina kung terorista ang indibidwal o grupo, period!

◘◘◘

BAGO NAG-BREAK AY NAG-IWAN NG “GIFT” NA ANTI-TERROR BILL ANG KONGRESO KAY P-DUTERTE — Bago mag-break o mag-recess nitong June 5 ay ipinasa ng mga pro-Duterte congressman noong June 4 ang hirit na Anti-Terror Bill.

Ibang klase talaga ang mga pro-Duterte congressman, bago sila “nagsipagbakasyon”, binigyan nila ng regalong batas na pang-“terror” sa mamamayan ang gobyernong Duterte, buwisit!

◘◘◘

MGA MAMBABATAS, NAGAWA PANG MAGBAKASYON KAHIT MAY PANDEMYA — Ang balik-trabaho ng mga senador at kongresista matapos silang mag-recess nitong June 5 ay sa July 27 na, sa pang-limang SONA (State of the Nation Address) ni P-Duterte.

Ok lang sana ang break nila nakaugalian na ‘yan, pero ang hindi katanggap-tanggap ay nagawa pa ng mga lingkod-bayan na mag-recess o “magbakasyon-grande” ng 50-days sa panahon ng krisis, mga pwe!

◘◘◘

BAKA MAY MGA DAMPUTIN KAHIT HINDI TERORISTA DAHIL SA “FAKE NEWS” NI MOCHA AT TROPA NIYA — Marami talaga ang nangangamba sa bersiyon ng Anti-Terror Bill ng kasalukuyang gobyerno lalo na at ang mga tao niya sa ATC ang magdedetermina kung terorista ang indibidwal o grupo.

Ang pangamba ng karamihan, baka magpakalat ng fake news sa social media ang mga DDS bloggers sa pangunguna ni Mocha na terorista ang tao o grupong kanilang kinaiinisan, at ang gawin naman ng ATC ay ipaaresto ang mga ito, ‘kakatakot!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page