top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Karapatan ng biktima ng bigamya

  • Persida Acosta
  • Jun 7, 2020
  • 2 min read

Ang kasal ng isang tao na mayroon nang naunang kasal ay itinuturing ng batas na walang bisa. Ang probisyon ng batas na ito ay matatagpuan sa Article 35 ng Family Code kung saan nakasaad ang mga sumusunod:

“Article 35. The following marriages shall be void from the beginning:

(1) Those contracted by any party below eighteen years of age with the consent of parents or guardians;

(2) Those solemnized by any person not legally authorized to perform marriages unless such marriages were contracted with either or both parties believing in good faith that the solemnizing officer had the legal authority to do so;

(3) Those solemnized without a license, except those covered by the preceding Chapter;

(4) Those bigamous or polygamous marriages not falling under Article 41;

(5) Those contracted through mistake of one contracting party as to the identity of the other; and

(6) Those subsequent marriage that are void under Article 53.” (Binigyang-diin)

Ang kasal ng isang tao sa dati nang ikinasal ay nabibilang sa pang-ikaapat na uri ng mga kasal na nabanggit sa enumeration sa itaas. Walang bisa ang kasal na ito dahil ito ay itinuturing na bigamous marriage. Sa ganitong pagkakataon ang taong biktima ng ganitong uri ng kasal ay maaaring maghain ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage sa Regional Trial Court na gumaganap bilang Family Court sa lugar kung saan naganap ang nasabing pangalawang kasal o kung saan nakatira ang taong maghahain ng nasabing petisyon sa loob ng anim (6) na buwan o mahigit pa. Kakailanganin lamang ang abogado upang gumawa ng nasabing petisyon.

Nangangahulugang sa petisyon na ito ay hihilingin ng biktima na ideklara ng hukuman na walang bisa ang kaniyang kasal sapagkat ito ay bigamous.

Maaari rin siyang maghain ng kasong kriminal laban sa kaniyang asawa sa ilalim ng Article 349 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na:

“Art. 349. Bigamy. - The penalty of prision mayor shall be imposed upon any person who shall contract a second marriage or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings.”

Ayon sa batas, ang kasal ay espesyal na kontrata para sa pagtatag ng pamilya. Dahil dito, maliban sa ang tanging puwede lamang mapagkasunduan ng mag-asawa ay iyong paraan kung papaano nila pangangasiwaan ang kanilang mga ari-arian sa marriage settlement, ang lahat ng insidenteng may kinalaman sa kanilang kasal ay hindi maaaring mapagkasunduan ng mag-asawa, bagkus ay pinapangasiwaan ng batas.

Pinarurusahan ng batas ang sinumang muling magpapakasal habang ang kanyang unang kasal ay hindi pa naidedeklara ng husgado na ito ay walang bisa. Ang tao ay maaari lamang muling magpakasal kapag mayroon ng deklarasyon ang hukuman na ang kasali ay walang bisa o pinawalang bisa ayon sa batas. Maaari ihain ang reklamo sa Office of the City o Provincial Prosecutor sa lugar kung saan naganap ang pangalawang kasal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page