top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga health workers na buwis-buhay sa laban sa COVID-19, wala pa ring natatanggap na ayuda?!

  • Editoryal
  • Jun 5, 2020
  • 1 min read

Galit na galit si Pangulong Rodrigo Duterte nang malamang hindi pa nakakatanggap ng ayuda ang mga health workers na nagkasakit o namatay dahil sa laban sa COVID-19.

Nakakagulat at nakapagtataka na matapos ang tatlong buwan ng Bayanihan To Heal As One Act ay hindi pa rin naibibigay ang inilaang P100-K para sa mga nagkasakit na frontliner at P1 milyon naman sa mga namatay. Ano’ng nangyari?

Kaya binigyan na ng ultimatum ang mga ahensiya at opisyal na responsable sa isyu — ibigay na ang compensation benefits sa mga health workers.

Nakakahiya sa ating mga frontliners na buwis-buhay araw-araw at may pagkakataong nalalagay na rin sa panganib ang kani-kanilang pamilya.

Masasabing hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera ang paglilingkod ng ating mga frontliners sa gitna ng pandemya.

Gayunman, gumawa pa rin tayo ng paraan para maiparamdam sa kanila ang ating pagsaludo at taus-pusong pagpapasalamat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page