top of page
Search

by Info @Editorial | Nov. 16, 2024



Editorial

Ang paggamit ng pekeng PWD card ay isang malinaw na uri ng panlilinlang at pagsasamantala sa mga benepisyong itinakda ng batas para sa mga tunay na may kapansanan. 


Ito ay hindi lamang isang simpleng paglabag sa batas, kundi isang tahasang pagnanakaw mula sa mga taong tunay na nangangailangan ng tulong. 


Ilang restaurant owners ang nagpahayag ng pagkabahala dahil sa mga kostumer na gumagamit umano ng pekeng PWD cards. May pagkakataon daw na sa sampung nagda-dine in, anim ang PWD card holders at minsan kuwestiyunable pa dahil kung pagmamasdan ay physically able naman ang iba.


Bukod sa dumarami ang mga negosyong nawawalan ng kita, maaaring maapektuhan din maging ang mga manggagawa. Kapag nalugi ang negosyo, walang trabaho.

Para masugpo ang problemang ito, kailangan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon at mga mekanismo upang matiyak na ang mga PWD cards ay napupunta lamang sa mga karapat-dapat. 


Ang mga may hawak ng pekeng card ay dapat managot sa ilalim ng batas upang magsilbing babala sa iba pang mga posibleng gumawa ng parehong paglabag. 


Higit sa lahat, kinakailangan ang masusing edukasyon at awareness campaign upang ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng pagiging tapat at ang mga epekto ng maling paggamit ng mga benepisyo para sa PWD.

 
 

Marami pa rin ang hindi nakakabalik sa kani-kanilang trabaho bagama’t, may iba na balik-operasyon na ang negosyo.

Sa isang ulat, sa kahabaan ng Avenida Avenue sa Lungsod ng Maynila ay mamamataan umano ang grupo ng mga jeepney drivers na namamalimos na matapos matigil ang pasada mula nang ipatupad ang community quarantine.

Bukod sa pamamalimos, pinasok na rin nila ang pangangalakal para may pangkain sa araw-araw.

Nauunawaan umano nila kung hindi pa puwedeng bumiyahe, subalit ang pakiusap nila ay maalalayan din ng gobyerno.

Kaya patuloy ang panawagan hindi lang ng mga tsuper kundi ng iba pang manggagawa na natambay na bigyan sila ng alternatibong mapagkakakitaan.

Hindi lang para sa kasalukuyang sitwasyon kundi maging sa hinaharap.

Kung ngayon pa lang ay marami nang negosyo ang nagsasara, ano pang babalikan ng mga manggagawa?

Sana, sa lalong madaling panahon ay makapaglatag na ng mga istratihiya at mekanismo ang gobyerno laban sa posibleng paglala ng lagay ng ekonomiya ng bansa.

 
 

Matindi ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga online sellers na manloloko.

Ayon sa Pangulo, igagapos, bubusalan saka itatapon sa Ilog Pasig ang sinumang mapatutunayang nang-scam ng customer online.

Talagang hindi nawawala ang mga kapalmuks sa paligid, lahat na lang ng puwedeng gawan ng kalokohan ay papasukin.

Kaya ang nangyayari, taumbayan ang nag-a-adjust sa kanila. Tipong ‘pag tayo ang nabiktima, eh, parang tayo pa ang may kasalanan dahil hindi nag-ingat.

Huwag naman sanang ganu’n. Gumawa rin sana ng paraan ang mga kinauukulan para mapigilan ang mga ilegal na gawain partikular sa internet kung saan mas marami ang posibleng mabiktima.

Una nang sinabi ng DTI na may mga tauhan silang magbabantay laban sa mga seller na hindi sumusunod sa paglalagay ng presyo ng produkto, eh, baka naman puwedeng isabay n’yu na rin sa mga babantayan itong mga scammer.

Mula sa mga palpak na produkto, hindi makatarungang presyo hanggang sa mga hindi talaga legit na seller.

Siguro, hintayin din natin kung may masasampolan itong matinding babala ni Pangulong Duterte laban sa mga pasaway na online seller.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page