top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Anti-Terrorism Bill, mas malala sa Martial Law, nakupooo!

Pabs Hernandez III
Jun 5, 2020
2 min read

MAS MASAHOL PA ANG ANTI-TERRORISM BILL KAYSA SA MARTIAL LAW—Kaya maraming tutol sa Anti-Terrorism Bill ay dahil may mga nakapaloob sa batas na ito na mas masahol pa sa Martial Law noong panahon ni ex-Pres. Ferdinand Marcos, Sr..

Noong Martial Law, ang mga pinaghihinalaang subersibo, kapag inaresto nang walang warrant ay dapat makasuhan ito sa loob ng tatlong araw at kapag walang naisampang kaso ay obligado ang gobyerno na pakawalan ito.

Pero sa Anti-Terrorism Bill, kapag ang pinagsususpetsahang “terorista” ay dinakip nang walang warrant, ikukulong ito ng 14-araw at puwede pang dagdagan ng 10-araw at kapag walang ebidensiya na siya ay “terorista”, maaari itong taniman ng ebidensiya, dahil sa nasabing batas ay tinanggal na ang parusang “tanim-ebidensiya” sa mga awtoridad, ‘kakatakot!

◘◘◘

TRABAHONG NAGHIHINTAY SA LIBU-LIBONG OFWs, TAGAHANAP NG MAY VIRUS—Sa totoo lang, mas nanaiisin talaga ng mga OFWs na manatili na lang sa kinaroroonan nilang bansa sa pagbabakasakaling magkaroon ulit ng trabaho kaysa umuwi ng Pilipinas.

Alam kasi nilang pagdating pa lang nila sa airport ay parang basura na trato sa kanila, kapag nakauwi na sa kanilang probinsiya ay gutom kanilang aabutin, gayundin ang kanilang pamilya, at kung sakaling mabigyan man ng trabaho, ang work na ibibigay sa kanila ay “contact tracers” o tagahanap ng may mga virus, ‘susmaryosep!

◘◘◘

DDS, BAKA KULTADO NA ANG UTAK SA MGA LABAN-BAWING DESISYON NI P-DUTERTE—Tuloy na ulit ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika dahil hindi na itinuloy ni P-Duterte ang kanselasyon nito (VFA).

Siguro, kultado na utak ng mga DDS sa mga desisyong laban-bawi ni P-Duterte, kasi nang ipag-utos ng Pangulo ang kanselasyon ng VFA, sinuportahan nila ito at nag-post sila ng mga bad tungkol sa VFA at ngayong binawi ito, obligado ngayon silang suportahan ito at mag-post ng mga good tungkol sa VFA, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page