Year 2004 pa raw nagsimula… KRIS, IDINISPLEY SA MADLANG PIPOL ANG KOLEKSIYON NG LUXURY BAGS
- Erlinda Rapadas
- Jun 4, 2020
- 1 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga

Tulad ng ibang celebrities, mahilig sa bags ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Kaya naman, hindi nakapagtataka na nagkaroon siya ng collection na limited edition ng luxury bags at ito ay ipinasilip niya sa kanyang latest vlog.
Taong 2004 pa nang magsimulang mangolekta ng luxury bags si Kris Bernal at sa tulong ng kapatid niyang si Kate, naitago nila ang ilang bags sa kanilang collection na may sentimental value at meron din 'yung most used bags.
Well, hindi biro ang halaga ng mga luxury bags na nasa collection ni Kris. Malaking halaga na rin ang nagastos niya rito. Napapasaya naman daw siya ng kanyang bag collection.
Pero, sey ng mga netizens, dapat ay nagagamit naman niya lahat ng kanyang bags na kinokolekta at hindi for display purposes lang. At mabuti na lang at business-minded na ngayon si Kris Bernal, sa negosyo na nag-i-invest sa halip na sa branded bags.




Comments