top of page
Search

Hindi na gaanong nae-excite ang publiko sa balitang papasok sa Ang Probinsyano si Julia Montes na sinasabing lihim na karelasyon ni Coco Martin. May chika pang may anak na sila pero itinatago lang dahil makakaapekto sa kanilang career.

May mga nagsasabi naman na pampapogi points lang ni Coco kaya ipapasok si Julia sa Ang Probinsyano. Marami na kasi ang naaawa at nakikisimpatya kay Julia noong natsismis ang relasyong Yassi Pressman-Coco Martin. Kaya, bale pambawi na ni Coco ang pagpasok ni Julia sa kanyang serye.

Wish ng mga fans ni Julia, sana ay markado ang role niya sa Ang Probinsyano tulad ng character ni Yassi. Masaya ang mga fans para kay Julia Montes dahil muli na itong mapapanood sa telebisyon. Matagal-tagal ding nagpahinga ang career ni Julia Montes.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Ang sosyal-sosyal ng imahe ng Kapuso actress na si Heart Evangelista dahil nga sa kanyang pagiging fashionista na puro branded ang mga gamit.

Pero, ang weakness pala ni Heart ay ang mga abandonadong Aspin (Asong Pinoy) na pakalat-kalat at walang kumukupkop.

Hindi lahat ng alagang aso ni Heart ay imported o may breed. In fact, ang kanyang pinakapaboritong aso na si Panda ay isang Aspin, pero matalino at malambing.

Well, sa isang celebrity na katulad ni Heart, aminado siya na dumaranas din ng anxiety attack at depression. May mga panahon na nakakaramdam siya ng lungkot at emptiness. Kaya, magandang therapy ang ginagawa niyang pag-aalaga ng aso at pusa.

May paalala rin si Heart sa mga bashers na sobra siyang nasasaktan kapag nakakatanggap ng masasakit na comments. Kaya sa kanyang IG story ay sinabihan ni Heart na walang karapatan ang mga bashers na sirain ang kaligayahan ng isang tao.

Samantala, sa Amazing Earth hosted by Dingdong Dantes, ipi-feature si Heart at ang Aspin na si Panda.

 
 

Erlinda Rapadas / Teka Nga

May ugali pala ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza na tiyak, hindi pa alam ng iba niyang kaibigan.

Kapag bumibiyahe raw abroad si Maine ay tamad siyang mamasyal o gumala. Most of the time ay nasa hotel room lang siya at nagpapahinga.

Hindi siya mapapakinabangan bilang travel buddy dahil hindi niya type ang mag-iikot sa mga tourist spots na kanilang pinupuntahan.

Unless siguro kasama niya ang BF niyang si Arjo Atayde. For sure, hindi naman papayag si Arjo na tumunganga lang sila ni Maine nang buong maghapon at magdamag sa hotel at hindi mag-iikot para makapamasyal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page