Mga barko ng China, dumadagsa sa Panatag Shoal, ano’ng ibig sabihin niyan?!
- Ka Ambo
- Jun 4, 2020
- 1 min read
Tuloy pa rin ang Visiting Forces Agreement sa US.
Huhhh, buwelo sa giyera?
◘◘◘
NANALO raw ang ‘Pinas kontra COVID-19.
Nakupo, kusang lumilipas ang anumang virus!
◘◘◘
NAGREREKLAMO ang mga mandurukot.
Paano sila makakapaghanapbuhay kung may social distancing sa MRT at LRT?
◘◘◘
MARAMING negosyo ang tuluyang nagsarado.
Ang mga empleyado ang dapat bigyan ng ayuda!
◘◘◘
AYAW mag-apply ng kapitbahay ko sa Balik-Probinsiya program.
Kasi may pinapipirmahan pa.
Baka raw ‘pag bumalik siya sa Maynila ay ma-“shut-2-kil” siya.
He-he-he!
◘◘◘
ALAM ng mga eksperto na walang gamot sa lahat ng klase ng virus.
Bakit kayo nangangako ng gamot?
◘◘◘
SINTOMAS talaga ang ginagamot sa virus at pinalalakas lamang ang immune system laban dito.
Kahit ang bakuna—ay pinalalakas din ang naturalesa ng pisikal na katawan upang makadepensa kontra virus.
Immune system palagi ang pangontra sa virus.
‘Yun lang naman, tama o mali?
◘◘◘
KAWAWA ang mga obrero.
Gustong magtrabaho pero ayaw bigyan ng transportasyon.
Sila ay timawa sa sariling bayan!
◘◘◘
KAHIT ang libu-libong OFWS ay ginawang hampas-lupa sa panahon ng COVID-19.
Noong dumating, inisnab at ikinuwartin bago pauwiin sa probinsiya!
◘◘◘
DUMADAGSA ang mga barko ng China sa Panatag Shoal sa Zambales.
Isang sagpang lang ng China ang Central Luzon!
◘◘◘
DAPAT magbalik-normal na ang emosyon ng mga nasa gobyerno.
Hanggan ngayon, utak-COVID-19 pa rin sila!
◘◘◘
HANGGANG ngayon—walang linaw kung ano ang COVID-19.
Eh, bakit?
◘◘◘
HINDI nagpapaliwanag si Bill Gates sa tsismis na may kinalaman siya sa pagkalat ng pandemic.
Lalo siyang sumikat!








Comments