Nakaimbento ng bakuna kontra COVID-19, kaparehong kompanya na may gawa sa Dengvaxia, nakupo!
- Pabs Hernandez III
- May 17, 2020
- 1 min read
BAKA IBOYKOT NG MGA DDS ANG BAKUNA KONTRA COVID-19 NA GAWA NG SANOFI?—Ayon sa ulat, nakadiskubre na ang Sanofi Pharmaceutical Company ng bakuna laban sa COVID-19.
Naku, baka iboykot ‘yan ng mga DDS? Kung matatandaan ninyo, todo-todong batikos ang inabot ng Sanofi sa mga DDS dahil ang kompanyang ito rin ang gumawa ng Dengvaxia kung saan napakaraming bata ang namatay umano dahil sa bakuna kontra dengue, boom!
◘◘◘
KASO SA TROPA NI GEN. SINAS, “MORO-MORO” LANG?—Tila moro-moro lang ang isinampang kaso kay NCRPO Director/Maj. Gen. Debold Sinas at sa iba pang opisyal ng Pambansang Pulisya na may kaugnayan sa kontrobersiyal na birthday party ng NCRPO chief.
Nasabi nating moro-moro lang dahil kung seryoso talaga si PNP Chief Gen. Archie Gamboa na sampolan si Gen. Sinas at iba pang opisyal ng PNP, dapat sinibak na sila sa puwesto, pero wala namang nangyaring sibakan, buwisit!
◘◘◘
NAG-BOOMERANG KAY P-DUTERTE ANG WARRANTLESS ARREST SA SALESMAN NA NAG-COMMENT LANG SA FB—Sa mga anti-Duterte netizens na inaresto ng mga awtoridad, ang pinakasablay ay ang pag-aresto sa isang salesman na nag-comment sa isang post sa social media na “buang” daw ang pangulo.
Wala namang bahid ng pagbabanta ang comment ng salesman, kundi opinyon lang niya ‘yun.
Dahil sa sablay na pag-aresto sa salesman, nag-boomerang ito kay P-Duterte dahil gobyerno niya ang binabatikos ngayon ng publiko. Masyado umanong abusado ang mga ito kung saan maging ang nagbibigay-opinyon sa social media ay inaaresto agad nang walang warrant of arrest, period!





Comments