top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bilyones na utang sa buwis ng POGO, bayaran muna bago payagan sa balik-operasyon, ganern!

  • Imee R. Marcos
  • May 15, 2020
  • 1 min read

Biruin n’yo mga besh, mukhang lulusot na ang pagbabalik-operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Imagine, nagawan ng paraan ng Inter-Agency Task Force na bigyan ito ng limitadong operasyon base sa rekomendasyon ng PAGCOR?

Intensiyon umano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na makapagpasok ang mga POGO ng P600-M na kita sa panunumbalik ng 30% na operasyon nito sa mga quarantine areas at nang may pandagdag-gastos ang gobyerno para sa relief and cash aid ng mga Noypi. Ginawa pang sangkalan ang mga Pinoy!

Sa akin lang, mga besh, nakakalokah na hindi pa bayad ang POGO sa P50-B utang nito sa buwis, eh, nand’yan na agad sila at umaarangkada na. Nakakaloka, ‘di ba? Paano tayo nakasisigurong mabibigay nga nila ang P600-M, eh, ‘yung utang nito sa buwis, ilang taon na ang nagdaan, hindi mabayad-bayaran!

Oks sanang diskarte na pabalikin sila para makatulong sa ating mga ayuda sa mga apektadong Pinoy ng COVID-19 pandemic, pero kadududa-dudang mapagkakatiwalaan sila kung sa buwis pa lang delingkuwente na, hay naku!

Bukod d’yan, kahit makadagdag yan ng financial aid sa atin, pero dahil nag-operate ang gambling operation ‘yan, baka lalong mas dumami ang magkahawahan ng COVID-19? Que horror! Eh, China nga isinusuka ang operasyon na ‘yan, tapos tayo super welcome sa kanila? Santisima!

Eh, bakit hindi natin ikonsidera ‘yung suhestiyon ng ilan nating mga kasamahang senador na sa halip na payagan ang operasyon niyan, eh, singilin na lang natin sa bilyun-bilyong utang nila sa buwis, aba, hindi hamak na mas malaki ‘yan, ha?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page