top of page
Pokwang.jpg

Akala ng mga DDS ay kakampi nila si Speaker Cayetano, hindi pala!

Pabs Hernandez III
May 15, 2020
1 min read

MGA DDS, NAGULAT NA SI CAYETANO PA ANG NANGUNA SA PAGBIBIGAY NG PROVISIONAL FRANCHISE SA DOS—Na-shock ang mga DDS nang mismong si Speaker Alan Cayetano ang nanguna sa Kongreso ng pagkakaloob ng 6-months provisional franchise sa ABS-CBN hanggang October 31, 2020.

Matatandaang, nagbunyi ang mga DDS noon nang ipa-shutdown ang Dos, pero ang kanilang pagbubunyi ay panandalian lang kasi ang inaakala nilang kakampi ay ito pa pala ang magkakaloob ng provisional franchise sa Kapamilya network, boom!

◘◘◘

MOCHA, HINDI NA “UNTOUCHABLE” SA DUTERTE GOV’T KAPAG TINULUYAN NG NBI—Pinadalhan ng subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mocha Uson para kuwestiyunin sa “fake news” na ipinost nito sa social media na mga larawan ng mga personal protective equipment (PPE) na ipinalabas niyang binili ng gobyerno, gayung donasyon pala ito ng SM Foundation sa isang ospital.

Kapag tinuluyang kasuhan ng NB Isi Mocha, mapapatunayan ng Duterte gov’t na hindi siya “untouchable”, period!

◘◘◘

ABOGADONG KUMUWESTIYON SA MENTAL HEALTH NI P-DUTERTE, ARESTUHN DIN KAYA?—Matapos dakpin ng mga awtoridad ang isang titser at isang construction worker na nag-post ng joke na magbibigay sila ng P50-M at P100-M na pabuya sa sinumang makakapatay sa Pangulo, isang salesman naman na nag-post na may problema umano sa pag-iisip ang Pangulo ang dinakip din ng mga awtoridad.

Nag-post na “buang” ang Pangulo, inaresto? Aba, posible palang dakpin si Atty. Dino de Leon, siya ang humirit sa Supreme Court (SC) na ipalabas sa Malakanyang ang physical at mental health records ng pangulo para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang pangulo ng Pilipinas, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page