Isa pang netizen na nag-alok ng pabuya sa makapapatay kay P-Digong, kulong
- BRT
- May 14, 2020
- 1 min read

Arestado ang isa pang netizen na nag-alok at nag-post sa social media ng milyun-milyong pisong pabuya sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang nasabing suspek ay isang babae mula sa Cordova, Cebu, na dinakip ng mga awtoridad dahil sa pag-post na magbibigay umano siya ng P75 milyon sa sinumang makapapatay sa Pangulo.
Depensa naman ng babae, na-hack ang kanyang account at hindi siya ang nag-post nito.
Nahaharap ang babae sa reklamong inciting to sedition.








Comments