top of page
Search

Ibabalik sa P20 ang presyo ng lotto ticket mula sa kasalukuyang P24.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ito ay sa oras na muling payagang magbukas ang mga gaming operations.

Dahil sa banta ng COVID-19 ay napilitang tumigil sa operasyon ang gaming operation ng PCSO simula Marso.

Binawasan na rin ng ahensiya ang mga requirement para makapag-franchise ng lotto outlet business bilang hakbang upang hikayatin ang mga negosyante na mag-invest sa lottery.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, babaguhin din ng ahensiya ang kanilang patakaran sa pagbibigay ng consolation prizes. Hindi na umano hahatiin sa mga nanalo ang consolation prize bagkus ay ibibigay ito nang buo sa bawat isa.

“Except for jackpot prize, ‘yung other consolation prizes po, kung ano po ‘yung amount sa consolation prize ‘yun din po ang matatanggap ng ating mananaya,” ani Garma.

Umapela na ang PCSO sa Inter-Agency Task Force na payagang bumalik sa operasyon ang kanilang mga lotto outlets.

 
 

Nakapag-release ang Bureau of Customs (BOC) ng mahigit 12,700 na personal protective equipment (PPE) shipment.

Ayon sa ahensiya, 48 ang nai-release na kargamento noong Biyernes, Hunyo 5.

Nai-release ang PPE shipments sa mga sumusunod na lugar: NAIA-24; Cebu-3; Clark-3 at MICP-8

Sa tala ng ahensiya nasa 12,756 ang kabuuang bilang ng nai-release na shipment.

 
 

Nasa kabuuang 31,700 overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng COVID-19 ang napauwi na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang probinsiya.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cadac na mula May 25-31, may 25,002 na ang kanilang napauwi na mga OFWs habang may 6,700 ang napauwi mula June 1-5.

Ayon kay Cacdac, mayorya na mga napauwi na OFWs ay mga nagtatrabaho mula sa cruise ships na nasa 25,000 habang 18,000 naman ang naapektuhang land-based OFWs.

Kaugnay nito, tiniyak ni Cacdac na mapapabalik din ang mga repatriated OFWs lalo na ang mga seaman na posibleng ma-rehired sa sandaling matapos ang COVID-19 pandemic.

Nabatid na 72,000 repatriated OFWs ang nakatanggap na ng P10,000 bawat isa mula sa Department of Labor's Akap OFW program, at ang natitirang 200,000 ay maaaring makakuha ng second round ng emergency cash aid.

Samantala, inianunsiyo ni Cacdac na sa susunod na linggo, tatanggap na ng aplikasyon ang ahensiya para sa ikalawang bugso ng socio-economic stimulus para sa mga miyembro ng OWWA kung saan mayroon itong P2 bilyong alokasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page