top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pagkatapos ng ABS-CBN shutdown, baka next panagawan ng DDS ay Facebook ban, boom!

Pabs Hernandez III
May 13, 2020
2 min read

BAKIT BINAWI NI SEN. PIA CAYETANO ANG PIRMA NIYA SA RESOLUSYONG PABOR SA ABS-CBN?—Binawi ni Sen. Pia Cayetano ang kanyang pirma sa resolusyon ng Senado na humihiling sa National Telecommunication Commission (NTC) na pansamantalang pagkalooban ng provisional authority upang makapag-operate ang ABS-CBN habang nakabimbin sa Kongreso ang prangkisa nito.

Ang pagbawi ni Sen. Pia sa kanyang pirma ay masamang pangitain sa ABS-CBN kasi parang indikasyon ito na tatablahin ng NTC ang resolusyon ng Senado, period!

◘◘◘

DAHIL PATOK SA SOCMED ANG ABS-CBN, BAKA MANAWAGAN ANG MGA DDS NG ‘FACEBOOK BAN’ SA ‘PINAS?—Kahit shutdown na ay tuloy pa rin ang serbisyo-publiko ng ABS-CBN sa social media, partikular sa Facebook kung saan sobrang patok ang Kapamilya network.

Naku, baka sa inis ng mga DDS ay manawagan ang mga ito ng “Facebook ban” sa Pilipinas at ikatuwiran na kayang mabuhay ng mga Pinoy kahit walang FB, tulad ng mga tao sa North Korea, Iran, Cuba, Bangladesh, Egypt, Syria, Mauritius, Pakistan at Vietnam kung saan ban ang nasabing socmed sa mga bansang ito.

Ganyan din kasi ang katuwiran ng mga DDS ng manawagan sila ng ABS-CBN shudown, na kayang mabuhay ng mga Pinoy kahit walang ABS-CBN, boom!

◘◘◘

DAPAT SABIHIN NA NG PAMILYA MARCOS KUNG KAMAG-ANAK NILA O HINDI SI NORMAN MANGUSIN ALYAS FRANCIS LEO MARCOS—Marami ang nagsasabing hindi kamag-anak ng pamilya Marcos si Norman Mangusin na nagpapakilalang Francis Leo Marcos na sumisikat ngayon sa social media.

Dapat linawin na ng pamilya Marcos kung kamag-anak nila ito o hindi kasi baka hindi pa nila alam na baka kumita na ito sa “YouTube” gamit ang apelyidong Marcos, dahil ang diskarte nito ay subscribe muna sa YouTube, bago bigas.

Isang salita lang ng pamilya Marcos na hindi nila kamag-anak si Norman Mangusin, siguradong malalaos si “Leo Marcos”, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page