top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hirit na nagbabayad ng buwis ang mga POGO owners, sinopla ng BIR commissioner

Pabs Hernandez III
May 11, 2020
1 min read

PARANG SINABI NG BIR CHIEF NA SINUNGALING SINA ROQUE AT DOMINGO—Ayon kina Presidential spokesman Harry Roque at PAGCOR Chairman Andrea Domingo, kaya pinapayagan ng gobyerno na mag-operate ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pagmamay-ari ng mga Chinese ay dahil malaki umano ang naiaambag nitong buwis sa pamahalaan.

Pero sa isang panayam, nang matanong si BIR Comm. Caesar Dulay ay sinabi nitong maraming POGO owners ang hindi nagbabayad ng tax at sa kanilang tantiya ay halos lahat ayaw magbayad ng buwis.

Kumbaga, parang sinabi na rin ng BIR chief na sinungaling ang Presidential spokesman at PAGCOR chairman, boom!

◘◘◘

GMA NETWORK, SINUWERTE; ABS-CBN, MINALAS SA DUTERTE GOV’T.—Kung sinuwerte sa kasalukuyang gobyerno ang GMA Network, malas naman ang inabot ng ABS-CBN.

Nasabi nating sinuwerte ang GMA Network kasi matapos ipasa ng Kongreso ang franchise renewal nito ay inaprub at nilagdaan agad ito ni P-Duterte noong April 21, 2017 bago sumapit ang May 12, 2017 expiration ng prangkisa.

Samantalang ang prangkisa ng ABS-CBN, ibinimbin lang hanggang tuluyan itong naipasara noong May 5 nang mapaso ang kanilang prangkisa noong May 4, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

SHOCKING PANININGIL NG OEDC SA MGA KONSYUMER NG KURYENTE SA 'GAPO—Na-shock ang isang residente ng Olongapo City nang makita niya sa resibo ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) na sa panahon ng lockdown, ay higit P20,650.23 ang babayaran niyang konsumo sa kuryente.

Kung ang pamilyang iyan ay ganyan kalaki ang babayaran, malamang malaki rin ang babayarang konsumo sa kuryente ng ibang residente sa lungsod.

Panawagan sa Olingapo City Council, baka puwedeng paimbestigahan n'yo itong OEDC, dahil tila sinasamantala pa ang mga kababayang naapektuhan ng krisis dulot ng lockdown, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page