top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

TV networks at mga artista, maging role model para malabanan ang COVID-19

  • Nancy Binay
  • Mar 12, 2020
  • 2 min read

Nananawagan tayo sa mga major television networks at sa mga celebrities nila na tumulong sa paglikha ng public awareness sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Mainam na makipagtulungan ang mga networks at showbiz personalities sa Department of Health (DOH) sa pagpapalabas ng mga infomercial nang lalong maintindihan ng mga kababayan natin kung ano nga ba ang virus na ito.

Maging ang ating mga social media influencers ay may papel na magagampanan sa pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa COVID-19.

Very powerful na medium ang TV at social media. At sa panahon na hinihimok ang karamihan na manatili sa loob ng bahay nang maiwasan ang pagkahawa, tiyak na malawak ang maaabot ng mga medium na ito.

Napakarami nating artista na iniidolo ng mga Pinoy. Umaasa akong gagamitin ng ating celebrities ang impluwensiya nila para sa kaalaman ng nakararami.

Maaaring idaan sa vlog o sa infographics o kahit sa TikTok ang simpleng pagpapaalala tulad ng proper hygiene at respiratory/cough etiquette.

◘◘◘

Hinihimok din natin ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na gamitin ang kanilang libreng air time para sa education and information campaigns tungkol sa COVID-19.

Ayon sa batas, kailangang maglaan ang mga nabiyayaan ng broadcast franchise ng oras para sa mga public service announcements ng pamahalaan.

Kinakailangang manguna ang pamahalaan sa information campaign tungkol sa COVID-19 at iba pang public health issues.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page