top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg
Search

Isang magandang ideya ang pagkakaroon ng mobile application at color coding sa ID ng persons with disabilities (PWDs). Ito ang ideya ng thesis ni Bb. Aia Arkoncel, na isa ring PWD.

Ayon sa kanya, “eye-opening” na karanasan ang diskriminasyong nararanasan ng ilang PWD dahil hindi agad makita ang kanilang kapansanan.

Ang kanyang ni-redesigned at color-coded na PWD ID ay may mga icon at visual cues upang madaling malaman ang kapansanan ng isang PWD. Samantala, ang kaakibat na app ay mayroon datos tungkol sa medical profile, transactions, reminders para sa mga gamot at check-up, at maaaring magkonekta sa isang PWD sa komunidad sakaling kailangan niya ng karagdagang medical o social support.

☻☻☻

Ang app at ID ay konektado. Maaari ring mag-apply ng PWD ID sa pamamagitan ng app, dahil may mga PWD na hindi nakakapunta sa kanilang munisipyo o city hall upang personal na mag-apply.

Hinihikayat ko ang mga kinauukulan na tingnan at ikonsidera ang mga ideya ni Bb. Arkoncel, lalo na ang color-coding ng mga ID upang madaling makita at ma-identify ang disability ng tao. Maaari ring pag-aralan pa ang paglalagay ng karagdagang security features upang hindi mapeke ang ID, tulad ng iniulat nitong mga nakaraang mga araw.

Ang mga ideyang ito ay nagpapatunay na kung patuloy nating i-empower ang ating mga kababayang PWD na lumahok sa governance ay makakatulong sila upang lalo pang mapaginhawa ang buhay nila. Mabuhay ka Bb. Arkoncel!

☻☻☻

Sa kabilang banda, dismayado tayo sa pagtugon ng ilang ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19 pandemic. Inaasahan nating sa ilang buwan na tayo ay nasa iba’t ibang lebel ng community quarantine ay naplantsa na at nailatag ng maayos ang mga programa at polisiya na tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Isa sa mga sinasabing dahilan ay ang kawalan ng implementing rules and regulations (IRR) upang maipahagi ang ayudang ito. Sinabi naman ng kalihim ng Department of Health ay mabagal ang naging aksiyon ng mga taong nasa ilalim niya.

Tulad halimbawa ng pagkakaloob ng P1 milyon sa mga kaanak ng mga healthcare workers na namatay sa COVID-19. Ito po ay nakapaloob sa Bayanihan to Heal as One Act na noon pang Marso naging batas. Matatandaang binilisan namin sa Senado ang pagpasa ng batas na ito upang maagap na tumugon sa krisis.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

Ano nga ba ang plano para sa mga karaniwang komyuter na umaasa sa pampublikong transportasyon para makapasok sa trabaho at makauwi?

Sa paglipat ng Metro Manila sa general community quarantine noong Lunes, bumungad sa atin sa social media at sa iba’t ibang news outlet ang mga kuwento at litrato ng mga kababayan nating stranded sa daan.

Nananawagan tayo sa Department of Transportation na kung maaari ay dagdagan ang public transport options para sa mga kababayan natin.

☻☻☻

Sino ba ang dapat na priority?

Karamihan sa mga kailangang pumasok at walang work-from-home option ay mga taong umaasa sa daily wage.

Marami sa mga ito ay umaasa lang sa jeepney bilang pangunahing transportasyon.

Hindi natin dini-diskuwento ang halaga ng phasing sa pagbalik ng public transport.

Pero dapat at palagi, ang unang priority ay iyong sektor na pinaka-limitado ang options at resources. Those who have less in life should have more in law, ‘ika nga.

☻☻☻

Ayon sa grupong AltMobility na nagsusulong ng mas maayos na public transport sa bansa, 88% ng Filipino households na walang kakayahang bumili ng sariling sasakyan ang nanganganib ang kaligtasan at mobilidad kung patuloy na pababayaan ang public transport system.

Ang iba pang datos: Half million health, barangay at social workers na napipilitang maglakad dahil sa kakulangan ng public transport; 1 million buntis; 1.5 million persons with disability; 7.5 million senior citizens; 20 million students.

Nasa panganib din ang kabuhayan ng 2.7 million land transport workers.

Sa usapin ng ekonomiya, P520 billion ang nakatayang economic losses every year sa Metro Manila lamang kung mananatili ang status quo.

☻☻☻

Mayroon silang proposal na mag-laan ang pamahalaan ng P110 billion urban mobility support package na ipatutupad sa tatlong yugto sa loob ng tatlong taon sa mga urban areas ng bansa.

Aabot daw sa P373 billion ang estimated benefit ng investment na ito.

Binigyang-diin ng pandemikong ito ang napakalalim na problema sa public transport sa ating bansa.

Ang masaklap, napakalaking posibilidad na kung pababayaan natin, mas matagal pa sa pandemiko ang pagdurusa ng ating mga kababayan dahil sa bulok na transport system.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

Kasabay ng aking kaarawan ay inilunsad natin ang isang programa upang mamigay ng mga face mask sa ating mga kababayan. Isa ang face mask sa batayang panlaban natin sa COVID-19 kaya #MaskSamaSamaTayo laban COVID-19!

Katuwang natin sa programang ito ang PAGASA o People for Accountable Governance and Sustainable Action.

Kaya hiling ko sa aking kaarawan na sana’y matulungan ninyo akong makalikom ng face masks upang marami tayong kababayan na matulungan at mapanatiling ligtas.

Maaari kayong mag-donate ng face masks o idaan ang inyong donasyon sa PAGASA via GCash/BDO/BPI/Paypal:

BPI

Acct No: 3919-1889-43

Acct Name: Maria Katrina Santiago

BDO

Acct No: (00)6930-0159-96

Acct Name: Maria Katrina Santiago

PAYPAL

Acct Name: PayPal.Me/katrinassantiago

GCASH

Acct No: 09088631192

Paki-email na rin sa pagasa2019@gmail.com ang kopya ng inyong deposit/bank transfer slip at paki-indicate na ito ay para sa #MasksForAll.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyong tulong. Ang munti ninyong ayuda ay marami nang kapwa Pinoy ang matutulungan.

☻☻☻

Maraming-maraming salamat sa mga nakaalala at bumati sa aking kaarawan nitong nakaraang linggo.

Hindi man natin ito na-celebrate tulad noong mga nagdaang taon dahil sa COVID-19, nakakataba ng puso ang inyong mga pagbati, hiling at mensahe.

Dalangin ko na sana’y manatiling kayong malusog at ligtas ngayong panahon ng COVID-19.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page