Lockdown sa Metro Manila, lalong pahirap sa mga Pinoy
DOH, HANDA RAW SA COVID-19 PERO 2,000 LANG ANG TESTING KITS PARA SA HIGIT 100 MILYONG PINOY — Noong nagsimulang tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, sinabi ng Department of Health (DOH) na handa ang Pilipinas sa paglaban sa deadly virus.
Pero tila boladas lang ang ibinida ng DOH kasi sa pagdinig sa Senado, nabulgar na 2,000 lang ang testing kits sa coronavirus ng DOH para sa mahigit 100 milyong Pinoy, susmaryosep!
◘◘◘
HIRIT NA LOCKDOWN SA METRO MANILA, HINDI KATANGGAP-TANGGAP SA MGA PINOY—Matapos makumpirmang may mga nagpositibo sa Coronavirus sa Metro Manila, inihirit ni Albay Rep. Joey Salceda na i-lockdown ang Kamaynilaan para hindi na tuluyang kumalat ang COVID-19.
Ang mungkahi ni Salceda ay hindi katanggap-tanggap sa publiko kasi ang maaapektuhan dito ay mga Pinoy, tapos ang mga Chinese na mula sa mainland China na pinagmulan ng Coronavirus ay patuloy pa rin ang pagpasok sa bansa para magtrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na nasa Metro Manila, buwisit!
◘◘◘
ILANG BESES NANG NASANGKOT SA KRIMEN ANG POGO, HINDI PA NAGBABAYAD NG TAX TAPOS AYAW IPA-SHUTDOWN NI P-DUTERTE—Sa kabila na iba’t ibang uri ng krimen tulad ng ilegal na droga, prostitusyon, kidnapping, murder at iba pa ang kinasasangkutan ng mga Chinese owners at workers ng POGO sa bansa ay tumanggi si P-Duterte na i-shutdown ang mga POGO dahil kailangan ng gobyerno ang ibinabayad nitong tax.
Sablay ang palusot ni P-Duterte kasi mismong Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nagsabing hindi nagbabayad ng tax ang mga POGO.
Kung anuman ang tunay na dahilan ni P-Duterte at ayaw niyang ipasara ang mga POGO, siya at ang mga POGO Chinese owners lang ang nakakaalam, period!





Comments