top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Transparecy sa COVID-19, sagot para maiwasan ang pagkalat

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 9, 2020
  • 2 min read

3 MAYORS, DELOITTE PHILS. AT 2 OSPITAL, HINANGAAN SA TRANSPARENCY SA CORONAVIRUS—Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may mga panibagong kaso na kapwa Pinoy ang positibo sa COVID-19.

Sa isyung ito, inamin ni San Juan City Mayor Francis Zamora na ang panlimang pasyente na 62-anyos ay dumalo sa Muslim prayer sa Greenhills, San Juan.

Kinumpirma naman ni Cainta, Rizal Mayor Johnielle Keith Nieto na residente ito (panlimang pasyente) ng Filinvest East Subd..

Samantala, ayon naman sa Deloitte Philippines sa Bonifacio Global City, Taguig City, empleyado nila ang 48-anyos na isa pang pasyente at kinumpirma ito ni Mayor Lino Cayetano.

Aminado rin ang Cardinal Santos Medical Center sa San Juan na unang dinala sa kanila ang panlimang pasyente at inamin ng St. Luke’s-Global City na sila ang nangasiwa sa pang-apat na pasyente bago ito dinala at in-admit sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City.

Hinangaan ng publiko sina Mayor Zamora, Mayor Nieto, Mayor Cayetano at ang Deloitte Phils., Cardinal Hospital at St. Luke’s Hospital sa pagiging transparent nila tungkol sa mga pasyenteng nadale ng COVID-19 at dahil d’yan ay makapagdodoble-ingat ang mamamayan sa pagtungo sa mga natukoy na lugar.

Palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

DOH, NABATIKOS SA KULANG-KULANG NA DETALYE—Kung hinangaan ng publiko sina Mayor Zamora, Mayor Nieto, Mayor Cayetano at ang Deloitte Phils., Cardinal Hospital at St. Luke’s Hospital, batikos naman ang inabot ng Department of Health (DOH).

Ang dahilan ng batikos ay kulang-kulang ang impormasyong ipinagkakaloob nila sa publiko tungkol sa mga tinamaan ng deadly virus, boom!

◘◘◘

DAPAT PANGALANAN ANG TATLONG HOTELS NA TINULUYAN NG JAPANESE NA MAY CORONAVIRUS — Inihayag ng DOH na tatlong dayuhan (isang Japanese, Taiwanese at taga-Australia) na may travel history sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19 pag-uwi nila sa kani-kanilang bansa.

Ang Japanese national, ayon sa DOH ay nag-check-in sa tatlong magkakahiwalay na hotel sa Metro Manila.

Naku po, dapat isapubliko ng DOH ang tatlong hotels na ito para makapag-ingat ang mga magtse-check-in sa mga establisimyentong ito, period!

◘◘◘

SAMA-SAMANG PAGDARASAL LABAN SA CORONAVIRUS—Kinumpirma ng DOH na may pang-anim na pasyente na ng COVID-19 at ito ay ang misis ng panglimang pasyente na taga-Cainta.

Bagama’t, bad news ‘yan, dapat palaging ganyan ang ginagawa ng DOH para malaman ng publiko ang tunay na sitwasyon ng COVID-19 sa bansa kung nadaragdagan, nababawasan o wala nang tinamaan ng virus sa Pilipinas?

Pero sa ngayon, bukod sa pag-iingat sa sarili, sama-samang pagdarasal ang dapat nating gawin, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page