top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

18 oras na ‘di pagkain, nakakapayat na, nakapagpahaba pa ng buhay

  • Jersey Sanchez
  • Feb 28, 2020
  • 2 min read

Para sa atin, ang hindi pagkain sa loob ng mahabang oras sa buong araw ay parang imposible, lalo na kung tayo ay magugutumin. Minsan nga, sinasabi pa natin na “mamamatay na ako sa gutom,” pero alam n’yo ba na ang pagpa-fasting ay nakapagpapahaba ng buhay? Yup, beshy!

May isang “study point” ang naging trendy o nauso, lalo na sa mga indibidwal na gustong mabuhay nang matagal at malusog.

Ang intermittent fasting o ‘yung pagpa-fasting sa loob ng 18 oras o higit pa sa isang araw ay nakatutulong para makabawas ng timbang, mabuhay nang matagal at labanan ang mga sakit.

Ayon sa artikulo ni Mark Mattson, Ph. D., na nai-published kamakailan sa New England Journal of Medicine, ang intermittent fasting ay nakilala noong mga nakalipas na taon, lalo na sa mga lokal, gayundin, maaari itong maging parte ng healthy lifestyle.

Pinag-aralan ni Mattson ang intermittent fasting sa loob ng 25 taon habang 20 taon namang sumasailalim dito. Aniya, increased stress resistance, increased longevity at decreased incidence of diseases tulad ng cancer at obesity ang epekto ng intermittent fasting sa indibidwal.

Dagdag pa rito, ang fasting ay nakapagpapaganda ng blood sugar regulation at may maganda ring epekto sa inflammation at stress. Ipinaliwanag ni Mattson na ang intermittent fasting ay puwedeng gawin sa dalawang paraan — 6 hanggang 8-hour eating windows o pagkain ng isang moderate-sized meal nang dalawang araw sa isang linggo o 5:2 fasting.

Sa pag-a-alternate ng oras ng fasting, napag-alaman sa pag-aaral na ang ancient human adaptation sa kakulangan ng pagkain ay nati-trigger at nagsisimulang i-convert ng cells ang mga taba bilang energy. Gayunman, ang ganitong set-up ay hindi angkop sa lahat ng tao, partikular sa mga sanay sa “average American diet” kung saan ito ay may tatlong meal sa isang araw, bukod pa ang mga snack.

Ani Mattson, hindi nauunawaan ng mga scientists ang espesipikong mechanisim ng “metabolic switching” kaya ang pagda-diet ay hindi para sa lahat.

Naniniwala naman siya na ang intermittent fasting ay dapat maging parte ng mainstream diet discourse. Gayundin, nasa transition point na umano ang henerasyon kaya dapat nang ikonsidera ang pagdaragdag ng impormasyon tungkol sa intermittent fasting sa curriculum ng medical school, ganundin ang standard advice tungkol sa healthy diet at exercise.

Hindi naman pala applicable sa lahat ng tao ang pagda-diet, mga beshy, pero bago sumabak sa intermittent fasting, make sure na kumonsulta kayo sa pinagkakatiwalaang doktor nang sa gayun ay walang maging problema sa pagpapapayat ninyo.

Oks ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page