top of page
Pokwang.jpg

Indonesia, naka-Grand Slam sa Badminton Asia C’ships

A. Servinio
Feb 18, 2020
1 min read

Nakuha ng Indonesia ang inaasam nilang Grand Slam kontra Malaysia, 3-1, sa pagwawakas ng Smart Badminton Asia Manila Team Championships 2020 Linggo ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum. Ito na ang ikatlong sunod na kam­peonato ng mga Indones matapos magwagi sa unang dalawang edisyon ng torneo noong 2016 sa India at 2018 sa Malaysia.

Sinimulan ni World #5 Anthony Sinisuka Ginting ang pagsalakay ng mga Indones kontra kay Lee Zii Jia, 22-20 at 21-16. Ipinagpatuloy ito ng numero unong tambalan sa buong mundo sa doubles na sina Kevin Sanjaya Sukamuljo at Marcus Fernaldi Gideon na masyadong malakas para kay Aaron Chia at Soh Wooi Yik, 22-20 at 21-16.

Pansamantalang pinahaba ng Malaysia ang tie matapos gulatin ni Cheam June Wei si World #7 Jonatan Christie, 21-16, 17-21 at 24-22. Subalit hanggang doon na lang at tinapos agad ng World #7 sa doubles na sina Fajar Alfian at Muhammad Rian Ardianto laban kay Ong Yew Sin at Teo Ee Yi, 21-18 at 21-17.

Makasaysayan ang edisyong ito ng BATC dahil ito ang unang pagkakataon na nakalaro ang Pilipinas sa quarterfi­nals sa bisa ng kanilang 3-2 pagwagi sa Singapore sa group stage. Sa loob ng isang linggo ay nakasaksi ang mga taga­ha­nga na kabilang sa Top 20 ng mundo na karamihan ay mga kapwa Asyano.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page