top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Iwas-highblood at iba pang sakit... Tips para maging healthy ang noche buena

  • Twincle Esquierdo
  • Dec 18, 2019
  • 2 min read

Ngayong Pasko, siguradong masasarap na pagkain ang ating matitikman tulad ng lechon, queso de bola, hamonado at iba pa na masarap man, hindi naman healthy para sa mga may high blood at hypertension. Gayundin, tumataas ang tsansa na magkaroon ng heart attack, stroke at heart failure.

Pero, hindi naman natin kailangang iwasan ang mga ito dahil ang kailangan lang ay kontrolin ang pagkain ng mga ito upang hindi ma-trigger ang mga nabanggit na sakit.

Dahil d’yan, narito ang ilang paalala para maiwasang magkaroon ng sakit ngayong Holiday Season:

1. Uminom ng fruit o vegetable juice. Iwasan ang pag-inom ng softdrinks dahil napakarami nitong sugar content na makasasama sa taong may high blood pressure at ang alak na makasasama sa blood vessel kaya mas makabubuti na uminom na lamang ng fruit at vegetable juice na makatutulong para bumaba ang presyon.

Puwede mo rin itong paghaluin at gawing fruit o vegetable salad.

2. Gumamit ng olive oil sa pagluluto. Ang olive oil ay mayroong good fats na nakababawas ng cholesterol at timbang. Mabuting gumamit nito bilang kapalit ng regular na mantika na ginagamit sa panggisa tulad ng palm o vegetable oil.

Kung wala naman kayong olive oil, puwede ring gumamit ng butter at margarine.

3. Maghanda ng masasarap na vegetable dishes. Halimbawa nito ang vegetable salad kung saan ang mga gulay ay mabisang pangontra sa weight gain at obesity.

Puwede ninyong lutuin ang chopsuey, vegetable salad, vegetable pasta at vegetarian pizza. Maaari mo ring ipalit ang pipino, celery at carrot sticks na mayroong yogurt dip sa mga popular snacks na mixed nuts at potato chips.

4. Disiplinahin ang sarili. Hindi naman masamang mag-celebrate tuwing Pasko, pero kailangan mo ring kontrolin o piliin ang mga pagkaing kakainin mo para pagkatapos ng celebration ay hindi sumama ang tiyan mo o lumala ang sakit na meron ka.

Puwede kang uminom muna ng tubig upang mabilis kang mabusog at kumuha ng maliit na plato o platito para makontrol ang kakainin mo, lalo na kung ang mga pagkaing ito ay ma-cholesterol.

5. Mag-ehersisyo. Pagkatapos ng selebrasyon, huwag kalimutang mag-ehersisyo tulad ng brisk walking, jogging, swimming, cycling at iba pang simpleng cardio workout. Ang pag-eehersisyo ay nakapagpapalakas ng katawan at resistensiya para maiwasan ang sakit.

Alam natin na pang-normal na araw lang inihahain ang mga gulay, ngunit makatutulong din ito para maging balanse ang ating pagkain at kalusugan.

Gayundin, walang masama sa pagkain kapag Noche Buena, pero ‘wag lang sobra-sobra dahil ‘ika nga, masama ang sobra. Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page