Akala mo lang oks, dahil madaling bitbitin... Mabigat na backpack, may bad effect sa spine, muscles
- BULGAR

- Dec 18, 2019
- 1 min read

Marami sa atin ang mas gustong gumamit ng backpack dahil maraming mailalagay dito, gayundin, madali itong bitbitin. ‘Yung tipong salpak lang nang salpak ng gamit at dedma na kahit mabigat, basta walang nakalimutan dalhin. Agree? Pero mga besh, alam n’yo ba na ang paggamit nito ay may disadvantages din?
1. SPINE ALIGNMENT. Ayon sa mga eksperto, ang araw-araw na paggamit ng mabigat na backpack ay maaaring magdulot ng misalignment ng spine, gayundin, nakaaapekto sa acceleration ng normal na proseso sa pagtanda ng spine.
2. NAKAPAGPAPAHINA NG CORE MUSCLES. Kapag yumuyuko ka dahil sa mabigat na backpack, maaari itong maging sanhi ng paghina ng abs at likod. Gayundin, maaari itong magresulta sa pagka-stress ng lower back. At habang tumatagal, ang core muscles ay manghihina na mauuwi sa pangmatagalang back- pain.
3. DAHILAN NG SAKIT NG ULO. Ang mabigat na backpack, lalo na kung medyo mahaba ang strap ay puwedeng maging sanhi ng overworked neck muscles na nauuwi sa pananakit ng ulo, gayundin, nakaaapekto ito sa leeg at mga balikat.
4. ARTHRITIS RISK. Ang patuloy na paggamit ng mabigat na backpack ay maaaring magresulta ng higit pa sa panandaliang backpain. Ang karagdagang bigat ng backpack ay nata-transmit sa joints ng spine, hips at mga tuhod at nakapagpapataas ng tsansa na magkaroon ng osteoarthritis.
Convenient naman talaga ang backpack dahil isang bitbitan lang, keri mo nang dalhin ang mga kailangan mong gamit. Pero mga besh, sa paggamit nito, make sure na hindi ito palaging mabigat upang hindi maapektuhan ang inyong katawan. Gets mo?





Comments