Nakakaimbiyerna talaga! Mga linyang ayaw mong marinig ‘pag pasko

Habang abala ang karamihan sa pamimili ng mga panregalo, pagsa-shopping para sa sarili at pagpapaganda, maraming empleyado naman ang busy magkompyut ng 13th month pay kahit wala pa ito. Ha-ha-ha!
Gayunman, kahit gaano natin gustong isikreto ang pagkakaroon nito, malalaman at malalaman ito ng mga taong nakapaligid sa atin. Kinukulit ka na ba nila? Kung hindi pa, narito ang ilang bagay na madalas naririnig ng mga empleyado tuwing Kapaskuhan:
1. “REGALO KO, HA?” Ito talaga ‘yung linya na awtomatikong nagpapataas ng kilay natin sabay sagot ng “Wow, ha, inaanak ba kita?” Ha-ha-ha! Mga besh, ang regalo ay dapat ibigay nang kusa at hindi hinihingi dahil alam nilang may 13th month pay ka na. Tandaan, ang Pasko ay pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesus. Okie?
2. “TARA, DIVISORIA TAYO!” Masaya talagang pumunta sa Divisoria kapag Kapaskuhan para mamili ng mga panregalo sa mga kamag-anak, inaanak at kaibigan. Pero mas masayang pumunta roon kapag may budget ka na. Minsan, kung sino pa ‘yung malakas mag-yaya, siya pa ‘yung walang pera, ‘di ba, besh?
3. “NASAAN ANG X’MAS BASKET MO?” Madalas natin itong naririnig kina nanay, tatay, ate o kuya, lalo na kapag malapit na ang Pasko dahil kailangan na nilang mag-budget para sa Noche Buena. Ang hirap lang nitong sagutin kapag hindi pa ina-announce kung mabibigyan kayo ng noche buena basket. Ha-ha-ha!
4. “‘WAG MONG KALIMUTAN ANG INAANAK MO.” Kawawa talaga ‘yung inaanak natin kapag meron siyang “stage parent” na tumatanggap ng perang napamaskuhan ni bagets at ang masaklap, dismayado sila kapag hindi pera ang natanggap o kahit malayo pa ang Pasko ay kinokontrata ka na ng kumare mo. Parents, ‘wag kayong ganito, please?
5. “MEMBER KA PA RIN NG SMP?” Ito ‘yung mga panahong sikat na sikat na naman ang linya ng isang commercial na SMP o Samahan ng Malalamig ang Pasko. Lalo tuloy napapa-emote ‘yung mga BFF natin na ilang taon nang miyembro nito. Awww! Anyway, wala namang masama sa pagiging single ngayong Pasko dahil kering-keri nating maging masaya kahit mag-isa. Char!
6. “KONTI LANG ANG KAKAININ KO SA NOCHE BUENA.” Bukod sa mga kaibigan nating mahilig mag-drawing ng mga lakad o ganap, meron din tayong beshy na mahilig magdrawing pagdating sa usapang diet.
Hay naku, besh, tapusin mo na lang muna ang Noche Buena at Media Noche para mas makatotohanan. He-he-he!
Ilang araw na lang, Pasko na, ilan sa mga ito ang narinig mo na? Nakaka-stress ba? Hays! Anyway, ‘wag tayong magpatalo sa mga makukulit nating kakilala at ipaunawa sa kanila na hindi tungkol sa paggastos ang Pasko.
Gets mo?





Comments