top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maging alerto, ‘wag magpapaloko... Tips para masulit ang sale sa mga malls ngayong kapaskuhan

  • Twincle Esquierdo
  • Nov 25, 2019
  • 2 min read

Ngayong papalapit na ang Kapaskuhan, siguradong marami na namang sale sa mga malls na tiyak na daragsain ng mga tao. Ngunit hindi lahat ng malls ay may ganitong pakulo.

Gayunman, kapag may ganito sa isang mall, pinupuntahan ito ng mga kababayan nating gustong makarami ng mabibili. Pero ano nga ba ang teknik para masulit ang kaliwa’t kanang mga sale? Mga besh, narito ang ilang tips para mabili ang mga items na gusto n’yo:

1. Bumili nang maaga. Kung alam n’yo nang sale sa mall o kung sale ang mga items na matagal mo nang gustong bilhin, mabuting pumunta nang maaga dahil baka maubusan ka at malaking sayang kapag hindi ka nakabili, lalo na kung hindi palaging nagse-sale ang gusto mong item.

2. Maglista ng mga bibilhin. Isa ito sa mga basic technique para mabilis kang makapamili. Bago sumabak sa pagsa-shopping, ilista ang mga dapat bilhin. Dahil napakaraming namimili sa mga malls o iba pang pamilihan, baka makalimutan mo ang mga dapat mong bilhin at magulo ang iyong plano kung wala kang listahan. Gayundin, mas madali kang makakapili ng mga items kung alam mo na ang dapat mong bilhin.

3. Bumili ng kailangan, hindi ng gusto lang. Huwag bibili ng mga bagay na nagustuhan mo lang, pero hindi mo talaga kailangan dahil siguradong masisira ang budget n’yo. Pero kung may extra money kayo para sa luho, why not? Ngunit paalala lang, hinay-hinay lang sa pagbili kung ayaw n’yong maranasan ang petsa de-peligro na ang ibig sabihin ay malapit nang maubos ang pera. ‘Yun lang!

4. Magkumpara. Bago bilhin ang item na gusto mo, puwede kang maglibut-libot muna kung saan maaaring may kapareho ito na mas mura. Sa ganitong paraan, makakatipid ka at puwedeng makabili ng iba pang items gamit ang matitipid mo, pero kung wala kang mabibili, pangmeryenda o pamasahe na lang. He-he-he!

5. Sulitin ang discount. Tayong mga Pinoy, hangga’t kaya nating makatipid ay gagawin natin kaya likas tayong magaling sa paghingi ng ‘tawad’ o discount tuwing namimili. Totoo na malaking tulong ito sa atin, pero huwag nating kalimutan na ang paghingi ng discount ay dapat makatarungan at hindi ‘yung presyong pamigay na.

Maliit o malaking discount, huwag na tayong choosy dahil ang mahalaga ay nakatipid tayo.

Ngayon, alam n’yo na ang mga paraan kung paano makatitipid at mabilis na mabibili ang mga gusto kapag may mga sale sa paborito nating pamilihan. Kasabay ng mga tips na ito, huwag kalimutang mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras.

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page